^

Pang Movies

Lovi todo chill pa rin sa Amerika, VL muna sa career

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lovi todo chill pa rin sa Amerika, VL muna sa career

Vacation leave sa GMA Network si Lovi Poe kaya malaya siyang nagliliwaliw ngayon sa Amerika.

 

Nagtataka nga lang ang followers niya dahil solo flight siya sa photos na inilalabas niya sa Instagram. Nasaan na raw ang iyong foreigner na producer na kasama niya sa picture noong nakaraan? Wala na rin ba ulit sila?

Tikom ang bibig ng Kapuso actress sa kanyang lovelife na tila ngayon lang nangyari. Basta in love si Lovi, very transparent niya at chikadora talaga siya tungkol sa pag-ibig.

Eh ang alam namin sa kanya, may sinimulan siyang Regal movie, ang The Annulment, mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

Lito hindi malimutan sa pagiging pinuno

Tagahanga ni Lito Lapid si Coco Martin sa mga pelikulang pinagsamahan nila noon ni Fernando Poe, Jr. gaya ng Kalibre 45.

Eh sa pakikipag-usap ng press sa aktor na mu­ling tatakbo sa Senador ngayong Mayo, ibinahagi niyang ang double noon sa pelikula ng father ni FPJ ay ang tatay niyang si Jose Lapid.

“Pagkatapos, maagang namatay ang tatay ko, nagkasakit, ang pumalit sa kanya ay si Jess Lapid, Sr. Tatay nga ni Lloyd, Jess Lapid, Jr.

“Domobol din ang tatay ko kay FPJ bago namatay at ang pumalit sa kanya ay si Jess Lapid, Sr. Tapos, nagkadugtung-dugtong na nga kaya ang masasabi ko, walang Lapid sa pelikula kung hindi dahil kay Fernando Poe, Jr.,” saad ng dating senador.

Si Lito rin ang fighting director ng series ni Coco at two weeks lang ang usapan nila nu’ng malapit na sanang matapos FPJ’s Ang Probinsyano.

“Eh, nagustuhan ang team namin ni Coco kaya umabot ako ng two years. Kung hindi pumasok ang eleksyon, nasa Probinsyano pa rin ako. Parang anak ko na rin ‘yon,” saad niya.

May pangako ba si Coco na tutulungan siya sa kampanya?

“Wala po kaming napag-usapan ni Coco sa ganyan. Nahihiya naman ako sa kanya. Alam ko namang marami siyang tinutulungang pulitiko.

“Pero ni minsan, hindi ko binuksan na tulungan ako!” diin ni Lito.

Nagmarka sa series ang pagiging Pinuno niya at ‘yon ang madalas na tawag sa kanya ng tao sa tuwing maglilibot siya sa mga probinsiya.

 

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with