Angel Locsin
Angel ayaw nang bumalik sa taping?!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (philstar.com) - February 20, 2019 - 12:00am

Sa inis at sobrang pagod

Matapos ang matagal na paghihintay sa The General’s Daughter, ang problema naman kina Angel Locsin at sa direktor nito ang pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Maalalang nabitin noon ang airing ng The General’s... dahil diumano pinatigil ang taping dahil  nadagdag daw ng timbang si Angel at kinailangan pa itong papayatin. Pumayat naman si Angel at bumalik sa taping.

Ayon sa isang insider ng ABS-CBN, mataas ang rating nito kaya happy sila. Pero biglang pumutok ang isyu sa pagitan ni Angel at direktor nitong si Manny Palo.

Ayon sa source ni Nay Cristy Fermin, hihintayin ngayong araw kung babalik sa taping si Angel matapos itong mag-walk out sa taping noong Lunes nang mapikon ito dahil diumano sa pagiging palamura ng direktor at sa sobrang pagod nila dahil sa paulit-ulit na take sa mga eksena.

Diumano ay wala pa itong script kaya nangangapa ang mga artista.

Inaayos daw sana ng staff ang ginawang paglayas ni Angel sa taping pero sumagot itong hindi na niya kayang gawin ‘yun.

Isa lang ang tungkol sa pinagdadaanang isyu kay Angel at sa The General’s Daughter ang pinag-usapan sa kauna-unahang digital show ng Pilipino Star NGAYON na ang host ay ang dalawang reyna ng intriga na sina Manay Cristy Fermin and Manay Lolit Solis na Take It... Per Minute.

In all fairness, ang juicy ng mga pinag-usapan nilang intriga. At matatapang pa rin ang kanilang mga opinion, walang sinasanto at walang inuurungan. Ayaw din sa blind items. Wala pa rin silang kupas.

Mapapanood ang Take It... Per Minute tuwing Martes, 12:00 to 1:00 p.m. sa Pilipino Star NGAYON page.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with