udy Ann Santos at Ryan Agoncillo
udy Ann Santos at Ryan Agoncillo
Ryan at Juday nag-foodtrip at nanood ng concert sa Mexico
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (philstar.com) - February 20, 2019 - 12:00am

Kaya pala hindi napapanood sa Eat...Bulaga si Ryan Agoncillo dahil lumipad sila ni Judy Ann Santos sa Mexico. Kasama nila ang mga kaibigan ni Ryan na kapwa motorcycle riders at mga asawa nito. Nakita rin namin sa photos si Beth Tamayo na based sa States, kaya madali sa kanya ang pumunta sa Mexico.

Nanood ng concert ni Dave Matthews at Tim Reynolds ang grupo nina Ryan at Judy Ann at nag-food trip.

Hintayin nating makabalik si Ryan para magkwento ng experience nila sa Mexico na mas masaya dahil kasama ang maraming kaibigan.

Paolo, rock songs ang pampatulog sa anak

Sa presscon kagabi ng morning soap ng GMA 7 na Hiram na Anak, siguradong natanong si Paolo sa istilo nang pag-aalagang ginagawa niya sa baby nila ni LJ Reyes na si Baby Summer. Kasi, sa halip na lullaby, mga OPM rock songs ang kinakanta ni Paolo sa baby.

Sa isang video, kinanta ni Paolo ang Banal na Aso… at Laklak. Imagine kung makalakihan ni Baby Summer ang mga kantang ‘yun, lalaking rakista ang baby. Sabi ni Paolo kay LJ, “Mahal, walang pakialaman ng lullaby kay baby! Buti di mo naabutan ‘yung Laklak!”

May pumuna pa kay Paolo na ‘wag maghubad ‘pag pinapatulog si Baby Summer dahil makikita raw ni Baby Summer ang mga tattoo niya. Baka raw kahit bata pa, gustuhin na ng baby na magpa-tattoo.

Dahil nalilinya sa kontrabida, alam na ng Kapuso viewers na kontrabida si Paolo kina Yasmien Kurdi at Dion Ignacio sa Hiram na Anak. Ang aabangan na lang ay kung anong klaseng kontrabida siya sa dalawa na gaganap na mag-asawa.

Sa direction ni Gil Tejada, Jr., sa February 25, na magsisimula ang airing ng Hiram na Anak bago mag-Eat...Bulaga.

RYAN AGONCILLO UDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with