Regine Velasquez-Alcasid
Regine sinermunan ang fans na mga pakialamera!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Philstar.com) - February 20, 2019 - 12:00am

Inalmahan ng ilang fans ni Regine Velasquez-Alcasid ang pagpayag niyang ipa-interpret ang isa sa panasikat niyang kanta na Pangarap Ko Ang Ibigin Ka kay Morisette.

Sa Twitter kahapon, sunud-sunod ang reply niya sa tweets sa kanya. Kaso may ilang followers niya ang naka-private ang account kaya wala siyang paraan para sagutin ang tweet.

Unang tweet ni Reg “Guys what’s wrong with me giving the song to her??? The song will always be mine but the truth is hindi ko naman mare-record yun at wala na akong magaawa dun. Ba’t ba as marunong pa kayo sakin.”

Kasunod nito ang, “I want her to record the song so the new generation will know the song. It will have a new life. She will definitely own it syempre because thats what we do ako pag kumanta ng song ng ibang tao hindi naman sila nag react ng ganyan.

“I happen to love this girl because think she is so talented. Utang na loob wag OA!!!!” dagdag niya.

Pinaalala rin ni Songbird na hindi siya ang may-ari ng song kundi ang songwriter. “I’m just an interpreter,” diin niya.

Feeling n Regine, hindi siya naniniwalang pinuprotektahan siya ng umangal na fans.

“It’s not protecting me pinapahiya n’yo ako.

“I’m disappointed,” sunud-sunod na tweets ni Regine.

Talbog... Heart pinasusuot ng Hermes, LV ang ‘anak’ na aspin

Daig pa ang tao kung gastusan ni Heart Evangelista ang kanyang asong Aspin (Asong Pinoy) na pinangalanan niyang Panda.

Sa feature sa Twitter ng GMANetwork.com, inisa-isa nito ang accessories na gamit ng aso na nag-research sa presyo nito.

Ang leash o tali sa leeg ng aso mula sa Gonyard ay higit kumulang na P21,000 ang presyo sa online.  Ang scarf na Hermes ang brand ay P24,000 base sa website ng brand.

Ang Louis Vuitton scarf naman ng hayop ay nagkakahalaga between P19,400 at P25,000, huh!

Sorry na lang kung ganito kalaki gumastos si Heart para sa kanyang aso dahil para na ring anak ang turing nia rito!

REGINE VELASQUEZ-ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with