Ice pumayag na ring magbuntis?!
YSTAR - Baby E (Philstar.com) - February 20, 2019 - 12:00am

Ayon kay FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Diño, may posibilidad na rin daw na ang partner niyang si Aiza Seguerra, now better known bilang Ice Seguerra, ang magbuntis at maging ina ng kanilang magiging babies.

They are hoping for twins, ani Liza, who revealed na nakakuha na silang sperm donor na guwapo at matangkad.

As of the moment, their original plan to have her carry their babies stand pa rin. But this will happen pa in December this year dahil marami pa siyang tatrabahuhin bilang Chair ng FDCP. Kaya, by then, she would probably be 38.

Of Ice, she will only be 35 before the year ends.

In any case, whichever procedure daw they will both decide to go through, ang pinakamahalaga pa rin ay ang magka-anak sila.

Liza, with her first partner, has a daughter now 11 years old, who takes to Ice as her real father.

Joem nag-iipon para sa kasal

Aside from his upcoming movie, Write About Love, with Yeng Constantino, may isa pang project na pinagkakaabalahan sa kasalukuyan si Joem Bascon, and this is which will co-stars him with Judy Ann Santos at Raymart Santiago.

This is his first time, ayon kay Joem, na makatrabaho ang tatlong nasabing artista, kaya both excited and feeling challenged daw siya.

Matindi ang pagnanais ni Joem na makaipon, as he plans to marry daw his non-showbiz girlfriend before the year ends. Ten years na rin daw silang magka-relasyon.

Claudine at Raymart hindi na magkakabalikan

Samantala, of Raymart, obvious na malabong magkabalikan pa sila ng kanyang actress-wife na si Claudine Barretto.

Sayang dahil may dalawa silang anak, isang babae at lalaki, na at the start ng kanilang pagsasama, it was predicted na magiging ‘till death do us part’ ang kanilang pagsasama.

They looked so in love nang sila’y ikinasal.

McCoy at Jameson humahabol na kay Joshua

Bukod kay Joshua Garcia, dapat na ring panoorin si McCoy de Leon. Habang si Jameson Blake naman ay runner-up.

Come to think of it, all three of them are all former housemates ni Kuya. In all three different episodes of Pinoy Big Brother.

All three of them, too, are in their early 20s. They are all determined too, to make it.

As of the moment, si McCoy ang pinaka-busy sa kanilang tatlo. Palagi siyang napapanood sa noontime show na It’s Showtime bilang isa sa mga miyembro ng grupong Hashtag. Bukod dito ay kasama rin siya sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Tuwing Sunday naman ay featured siya sa long-running weekly series na Wansapanataym Presents: Mr. CutePido na idinirek ng actor-comedian na si John Lapus kung saan katambal niya rin si Heaven Peralejo.

Itinuturing na biggest break ni McCoy ang pelikulang Project February 14 na kasalukuyan nang mapapanood sa IWant ng ABS-CBN.

Highly disturbing and controversial ang theme ng series (yes, six part series ang palabas), as it is about mental illness. It’s about two young people, both restless and feeling neglected by their elders, planned to end their lives together on Feb. 14. Annie his partner, is played by equally competent young actress Jane Oineza.

Si JC Santos naman is the only other major character. He is a documentarist who offers to document the day to day happening of the lives of the two teenagers, until their end.

Directed by Jason Paul Lacsamana, it is a project of Dreamscape Digital, headed by Deo Edrinal.

AIZA SEGUERRA LIZA DIñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with