Carmina
Carmina takot sa tubig!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

Masasabing mag-ina nga sina Kara Mia lead stars Carmina Villarroel at Barbie Forteza. Paano, kung si Barbie ay may takot sa height, si Carmina naman ay may takot pala sa tubig. Kaya nang mapanood namin ang special preview ng pilot episode ng Kara Mia na may eksenang nahulog siya sa ilog, sa Mambukal, Bacolod, na taping location nila sa serye, tanong namin kay Ms. Hazel Abonita, Senior Program Manager, paano nagawa iyon ni Carmina?

“Natakot siya talaga, kaya lamang pala niyang lumusong sa swimming pool na hanggang four feet ang lalim,” sagot ni Ms. Hazel. “Pero real trouper si Carmina, kahit may takot, nanginginig siya talaga, ginawa pa rin niya ang eksena. Doon lamang sa medyo mababaw na lugar ng ilog kinunan ito ni Direk Dominic Zapata. Minadali lamang namin ang pagsagip sa kanya dahil hindi nga siya marunong lumangoy. Kaya labis ang pasasalamat namin kay Carmina na pumayag siyang gawin pa rin ang eksenang iyon.”

Bukod sa eksenang iyon, mapapanood na rin ang buwis-buhay na eksena nina Barbie at Mika dela Cruz, bilang ang young adult nang sina Kara at Mia, nang pareho silang mahulog sa footbridge along Quezon Avenue.

Si Carmina ay si Aya, a beautiful Manilenya na nagpunta sa Bacolod, doon niya na-meet si Arthur (John Estrada), mabait na binatang may-ari ng karinderia, nagkaibigan sila, nagpakasal at naging anak nila sina Kara at Mia. Nang isilang sila, hindi ito matanggap ni Aya, pero si Arthur, agad niyang tinanggap ang magkapatid na may Disprosapus or craniofacial duplication, dalawa ang mukha nila, pero isa lamang ang katawan nila.

Ngayong gabi na huhusgahan ang bagong teleserye sa world premiere nito, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7. Mapapanood na rin sina Glydel Mercado, Mike Tan, Alicia Alonzo at si Ms. Gina Pareño.

Jo Berry nakatanggap ng parangal

Excited at thankful si Jo Berry nang manalo siyang Most Promising Female Star for TV dahil sa mahusay niyang pagganap sa teleserye niyang Onanay na patuloy na sinusubaybayan ng netizens lalo na at nasa huling dalawang linggo na lamang sila. May netizens na nakikiusap na sana raw ay ma-extend pa muli ang serye na nagtatampok din kina Ms. Nora Aunor, Ms. Cherie Gil, Wendell Ramos, Gardo Versoza at ang magkapatid na gumaganap na anak ni Onay, sina Kate Valdez as Natalie/Rosemarie at Mikee Quintos as Maila. Directed by Gina Alajar, napapanood ito after ng Kara Mia.

Benjamin pinatamaan sa sexy photos ni Julie Anne

Pasabog ang pag-display ni Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose ng kanyang sexy body, wearing a two-piece bikini, nang mag-stay sa Dakak Park & Beach Resort sa Dapitan City last weekend. Nasa Dakak si Julie Anne para sa Valentine show niya roon kasama ang MissTress.

Nakakaloka lamang ang comment ng ibang fans, may mga patama sila sa ex-boyfriend ni Julie Anne na si Benjamin Alves. Sinayang daw ni Benjamin ang relasyon nila ni Julie Anne, so hanggang sa pagtingin na raw lamang siya sa sexy body nito.

CARMINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with