Gretchen
Mga taong gusto pang pag-awayin sina Gretchen at Claudine, nganga!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

Nabalitaan kamakailan lang na diumano, may nakaaway ang aktres na si Gretchen Barretto na kumausap sa kanyang kapatid na si Claudine Barretto para siraan siya, dahil alam naman ng lahat na silang dalawa ay may tampuhan din.

Ngayon ay nagkasundo na ang magkapatid. Nauna na ngang may mga nagsasabi na nakita ang magkapatid na magkasama sa isang five star hotel at doon kumain.

Hanggang noong isang gabi nga, si Claudine pa mismo ang naglabas ng live video ng kanilang date ng kapatid. Maliwanag, hindi nagtagumpay ang mga taong gusto pa silang lalong pag-awayin at sa halip, nagkasundo pa ang dalawa. Kaya kung iisipin, mas magandang balita iyan.

Sumikat din naman bilang isang aktres si Claudine, pero hindi maikakaila na naging madali para sa kanya ang makapasok sa showbusiness dahil nauna na ngang sumikat si Gretchen. Nagkaiba nga sila ng linya, dahil si Claudine ay napunta sa mga romcom, samantalang si Gretchen ay tinawag noong ST Queen dahil sa kanyang ginawang sexy movies.

Kung tutuusin, nagkatulungan din naman sila sa kanilang propes­yon bilang mga aktres, at kung iisipin wala naman sila talagang dapat pag-awayan.

Pero iyong magkakapatid, maaaring magkaroon sila ng misunderstandings sa loob ng kanilang pamilya pero oras na ibang tao na ang pinag-uusapan, tiyak namang magiging magkakampi ang magkakapatid. Kaya nga “kapatid” eh.

Clint walang alam sa pag-uwi ni Catriona

Nakakagulat iyong sagot ng modelo at actor ding si Clint Bondad noong tanungin siya ni Vic Sotto tungkol sa pagda­ting sa Pilipinas ng kanyang girlfriend, ang kasalukuyang Miss Universe na si Catriona Gray, ang naging maikli niyang sagot ay “I don’t know”.

Mukhang maski na si Clint ay hindi sinabihan tungkol sa maagang pagdating ni Catriona sa bansa. Dumating si Cat sa Pilipinas noon pang Biyernes ng gabi, samantalang ang official welcome o ang tinatawag din nilang victory parade ay sa Huwebes pa, February 21, kung kailan siya iikot sa Pasay, Makati at Manila. Sa February 23 naman sasalubungin siya sa Araneta Center sa Cubao.

Hindi rin humarap si Catriona sa isang press conference kagaya ng karaniwang nangyayari, at pinagbawalan maging ang mga airport reporters na siya ay kausapin o kunan man lang ng pictures. Ano ang dahilan at tila iniiwasan nilang magsalita si Catriona?

Dahil ba iyon sa controversy kung sino na ang hahawak ng susunod na Miss Universe sa Pilipinas? Noong una siyang umuwi matapos na manalo ng title, ang nagdala sa kanya sa Pilipinas ay si Chavit Singson. Ngayon si Stella Marquez-Araneta, na originally ay franchise holder ng Miss Universe.

GRETCHEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with