Foreigner na model tumira na raw dati sa condo ni Piolo
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

Kakilala pala ng isang taga-advertising agency ang guwapong foreigner na kasaluku­yang iniuugnay ngayon kay Piolo Pascual.

As far as he knows daw, walang relasyon sina Piolo at ang foreigner. Kilala raw niya ang girlfriend nito. And obviously si Piolo rin.

Pero, kaibigan daw ni Piolo ang foreigner, na minsan, pina­tira pa raw ng aktor sa kanyang condo unit, nang baguhan pa raw ito sa Pilipinas at wala pang matirhan.

And since advertising agency employee nga ang aming kausap, ‘di raw rare na makunan ang nagsisimula pa lamang na commercial model with a name actor, like Piolo, ayon sa kanya.

Oo nga naman.

Luis umaming hindi pa handang pakasalan si Jessy, kapos pa sa ipon

Sure na sure na raw si Luis Manzano na si Jessy Mendiola na talaga ang babaeng gugustuhin niyang makasama habang buhay.

Gusto rin daw niyang si Jessy talaga ang maging ina ng kanyang magiging mga anak.

Ganun pa man, hindi raw agad mangyayari ang pagpapakasal nila dahil hindi pa sapat ang kanyang naipon para masuportahan ang isang pamilya. Gusto niya raw kasi ang best para sa mga ito.

Oo nga raw at ‘di siya nawawalan ng project as a TV host. At mayroon nga rin daw siyang ilang negos­yo na dapat niya pang tutukan ng mabuti.

Grateful din daw siya kay Jessy, dahil ‘di rin ito nagmamadali na magpakasal na sila. Only 26 year old, she wants to make the most of her showbiz career muna.

Sa April, Luis will be turning 37.

Samantala, mas magiging abala si Luis. Parehong tatakbo sa upcoming election ang kanyang mom and dad. Si Vilma Santos-Recto ay re-electionist for Lipa City Representative. Ang kanya namang amang si Edu Manzano ay tatakbong Congressman sa lone district ng San Juan.

In fairness daw for both Ate Vi and Edu, they have not asked him, according to Luis, to perso­nally campaign for them. Kung sabagay, mukhang sigurado naman na ang kanilang panalo.

Napapanood si Luis sa game show na Minute To Win It, Last Man Stan­ding kasama si Negi at World Dance Philippines, kung saan co-host niya ang former Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Ang noted actors and dancer performers na sina Billy Crawford, Maja Salvador at Gary Valenciano ang jurors ng Dance World Philippines.

Jodi hirap sa annulment sa dating asawa

Malaking factor pala ang ‘di pa naga-grant na annulment ni Jodi Sta. Maria sa kanyang husband na si Pampi Lacson kung bakit nasira ang more or less, eight years na relasyon nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Labis itong ikinalulungkot ng mga malalapit na dalawa. They would have made an ideal pair.

Bagama’t in fairness kay Vice Jolo, inamin na niya ang bagong pakikipagrelasyon sa dating beauty contest runner-up na si Angelica Alita.

Sa kaso ni Jodi, quiet lang siya about the issue. Besides, busy siya sa Mea Culpa kasama si Bela Padilla.

Come to think of it, both Jodi and Bela have something in common. Pareho silang loveless.

Although in the case of Bela, she has been loveless for the last three years now.

PIOLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with