Gretchen
Gretchen at Claudine nagkabati na, nag-bonding sa hotel
Nitz Miralles (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang daming natuwa sa balitang nagkabati na sina Gretchen Barretto at Claudine Barretto dahil matagal na raw nilang ipinagdasal na maging maayos ang mga Barretto. Ang hinihintay nila ay kung kailan magkakabati si Gretchen at ang mga magulang nito.

Dahil sa pagbabati nina Gretchen at Claudine, magkikita at magkakakwentuhan na ng harapan sina Claudine at anak ni Gretchen na si Dominique. Hindi na lang sa Instagram (IG) nila idadaan ang pagka-miss sa isa’t isa.

Isa pang ipinagdarasal ng mga nagmamahal sa mga Barretto ay magkabati na rin sina Gretchen at Marjorie Barretto.

May mga nagtataka lang kung bakit sa Solaire nakita sina Gretchen at Claudine noong February 15 dahil ang alam ng marami, ang Okada Manila ang favorite hotel ni Gretchen bilang isa ang partner niyang si Tony Boy Cojuangco sa mga may-ari nito.

Dawn magiging Kapuso muna!

Si Dawn Zulueta ang tinukoy namin sa blind item na Kapamilya star na gagawa ng project sa GMA Network, pero hindi TV show ang gagawin ni Dawn, kundi pelikula. Ibig sabihin, sa GMA Films siya may project, kaya okay lang kung magkaroon siya ng teleserye habang nagsu-shooting.

Si Michael V ang makakasama ni Dawn sa gaga­wing pelikula at ang sabi, si Michael V din ang mag­di­­­direk ng hindi pa sinasabing project.

GRETCHEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with