Winwyn
Winwyn nakatali pa sa mga kontrata!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

Mukhang malabong sumali si Winwyn Marquez sa Bb. Pilipinas 2019 dahil sa mga konrata raw niya na tinanggap na siyempre ay kailangan niyang i-fulfill.

Matatandaang sumali na si Winwyn sa Bb. Pilipinas noong 2015 at hanggang sa top 15 finalists lang siya nakaabot. Noong 2017 ay sumali siya sa Miss World and earned the title Reina Hispanoamericana Filipinas at siya ring naging title-holder sa Reina Hispanoamericana Filipina pageant mismo.

Inamin naman ni Winwyn na gusto pa rin niyang makamit ang dream niya na maging Bb. Pilipinas-Universe or Bb. Pilipinas-International kaya gusto pa niyang sumali sa pageant.

“Meron pa akong hanggang next year. Pwede pa akong sumali hanggang next year for the 2 crowns na talagang gusto ko which is the Universe syempre, and the other one is International,” she said.

Kung sasali siya this year, kinakailangan niyang i-drop ang lahat ng konrata niya kung sasali siya.

“I can’t work for 3-4 months so, medyo mahirap kasi I have Bench, tapos may gagawin po ulit ako na film with Regal na very excited din po ako, sana abangan nila ‘yun.

“And alam ko, may pinaplano na ulit na tele­serye. So, ang hirap, kailangan mong i-weigh ‘yung things, eh. Hindi ko naman pwede i-drop na lang basta-basta kasi gusto kong sumali sa pageant,” she said.

Pero kung tatanungin siya kung gusto pa niyang magkaroon ng korona, siyempre naman daw.

“Hindi naman mawawala ‘yun. Pero ngayon siguro, happy naman ako sa napanalunan ko and happy naman ako sa tanggap ng tao,” sey pa ng bida ng pelikulang Time & Again with Enzo Pineda under Regal Films directed by Joey Reyes na showing na ngayong Feb. 20.

Paul bff ang turing kay Mika

Happy si Paul Salas na si Mika dela Cruz ulit ang katambal niya ngayon sa kanyang comeback teleserye at first drama series din niya sa GMA-7, ang Kara Mia.

Ang huling teleserye niya kasing ginawa na You’re My Home sa ABS-CBN pa ay sila rin ni Mika ang magka-loveteam. Pareho pa silang Kapamilya noon.

Noong time na unang naka-loveteam niya si Mika ay nasa teens pa lang daw sila, he was 16-17 that time at talaga raw naging best of friends lang sila, walang ligawang nangyari.

“’Talagang naging mag-best friends kami. ‘Yung nasasabi ko ang problems ko, nasasabi niya ‘yung problems niya sa akin. Dumating kami sa point na ganu’n.

“Sobrang saya namin nun’g nalaman namin na kami ang magkakasama dito,” sey ni Paul.

Eh bakit nga hindi sila nagligawan noon?

“Kasi po, na-feel namin ‘yung connection namin na talagang ang ganda, eh. Ang ganda ng pagka-connect namin na parang magkapatid, parang magbarkada.

“Kasi si Mika, ganyang-ganyan lang ‘yan pero may pagka-lalaki ‘yun, eh. Saka ‘yung mga trip-trip niya sa buhay, mga games-games, mas magaling pa nga sa aming lahat ‘yan.

“So, ayun, nakita ko ang connections namin na best friends kami. At mas maganda po. Hanggang ngayon, nagkakatrabaho kami, masaya,” sabi pa ni Paul.

Ngayong may boyfriend na si Mika na si Nash Aguas nga na dati pa niyang kasama sa ABS-CBN, ani Paul ay masaya siya para sa dalawa.

“Sobrang happy ako kasi barkada ko rin si Nash, nakaka-basketball namin.”

WINWYN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with