JK at Maureen
JK at Maureen lantaran na
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 17, 2019 - 12:00am

Lumabas na pumuporma ang singer na si Juan Karlos Labajo sa Eat Bulaga Dabarkads na si Maureen Wroblewitz dahil sa Instagram post ng singer nu’ng nakaraang Valentine’s Day.

Inilabas ng kumanta ng hit song na Buwan sa IG ang foto ni Maureen na sinamahan niya ng caption na, “Ang aking Buwan.”

Eh, pinusuan naman ni Maureen ang post ni JK kaya ‘yung netizens, kinilig sa posts ng dalawa.

Nagsama sina JK at Maureen sa music video ng kanta. Ayon sa komento ng isang netizen, inilabas ang Buwan sa Spotify nu’ng birthday mismo ni Mau last year.

Wala namang kumpirmasyon mula sa dalawa kung may nabuong relasyon sa kanilang dalawa, huh! Pero umaasa silang tutuparin ng dalawa ang wish nilang ma-level up ang kanilang friendship, huh!

Ang alam namin, isang anak ng sikat na celebrity ang patay na patay kay JK!

Paolo may kapalit na sa ex

Maayos na ang hitsura ni Paolo Ballesteros nang mapanood namin sa Eat Bulaga kahapon.

Hindi na mugto ang mga mata at maayos na ang pagsasalita nito sa Juan For All! All For Juan segment ng programa. Sa Valentine’s Day post ni Paolo, may pahaging siyang wala na sila ng boyfriend na si Kenneth kaya siya humagulgol.

Nakadama siya ng pagmamahal sa regalo sa kanya ng Ate Chix niya may dedication sa card. “You’re all ‘heart’, and that’s why I believe that there are people you haven’t met yet, who will love you, the way you want them to.”

Naku, sa ganda ni Paolo, maraming mabibighani sa ganda niya, Pinoy man o fo­reigner, huh!

JK AT MAUREEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with