Mga pelikulang kumikita, paisa-isa na lang
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 16, 2019 - 12:00am

Showing ngayon sa mga sinehan ang Alone/Together ng reel and real sweethearts na sina Liza Soberano at Enrique Gil na pinamahalaan naman ni Antoinette Jadaone at sinasabing naka-mahigit P21-M  ang first day gross nang ito’y magbukas sa mga sinehan last Wednesday, February 13. 

 

Although may mga pelikula pa ring kumikita sa takilya tulad nga nitong Alone, mabibilang ito sa daliri at mas marami pa ring local movies ang hindi gaanong kinakagat ng mga manonood dahil sa maraming factor – sobra ang mahal ng ticket sa mga sinehan at ang availability ng ibang platform tulad ng free TV at digital movies.

Elvis Presley of Asia sumakabilang buhay na rin

Hindi pa man naihahatid sa kanyang huling hantungan ang veteran singer-actress-producer at dating MTRCB chairperson na si Armida “Tita Midz” Siguion-Reyna na sumakabilang-buhay nung nakaraang Lunes, February 11 dahil sa colon cancer sa edad na 88, sumunod namang namayapa ang isa pang veteran singer-actor at tinaguriang “Elvis Presley of Asia” na si Edgar Opida nung nakaraang hapon ng February 13 (Wednesday) dahil sa cardiac arrest na may kinalaman sa kanyang operasyon ng brain tumor sa St. Luke’s Medical Center in Quezon City.

Si Edgar ay nagsimula sa kanyang showbiz career nung early `70’s. Nakagawa siya ng ilang pelikula tulad ng I Do Love You’ in 1970, Tukso in 1971 at ang Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak nung 1978.

Iniwan ni Edgar ang kanyang misis na si Eva Opida at tatlong anak na sina Venus, Margarita at Adonis at anim na apo na sina Priscilla, Michaela Liza Marie, ang kambal na sina Aaron at Byron, Raya Alessandra at Gabriel.

Ang mga labi ni Edgar ay kasalukuyang naka-himlay sa St. Peter Memorial Chapel in Quezon Avenue, Quezon City.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Edgar Samantela Opida.

ENRIQUE GIL LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with