^

Pang Movies

John at Carmina 22 years bago uli nagkatrabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
John at Carmina 22 years bago uli nagkatrabaho

Unang nagkasama nang matagal sina John Estrada at Carmina Villarroel sa Palibhasa Lalake at after 22 years ngayon lamang sila muling magkakatambal sa isang groundbreaking primetime soap sa GMA, ang Kara Mia.

 

Bago natapos ang sitcom, umalis na si Carmina dahil nagkaroon ng issue noon. Ngayong muli silang magkakasama bilang mag-asawa sa serye, nagkakatawanan na lamang sila, biruan nga nila sa mediacon, “nag-asawa uli ako” sabi ni John. “Nag-asawa rin uli ako,” sabi ni Carmina.

“Pero natuwa ako nang ibigay sa akin itong serye,” patuloy ni Carmina. “Naiyak ako nang mabasa ko ang script na kambal ang mga anak ko, pero ibang kambal dahil isa lamang ang katawan nila, pero dalawa ang mukha. “Hindi ko na inisip ang talent fee dito, basta sabi ko gusto kong gawin. Malapit siguro sa akin na kambal ang tema ng story, tulad ng Kambal Karibal dahil may kambal din ako.

“Na-excite naman ako nang ibigay sa akin ang serye at makakasama ko si Carmina,” sabi naman ni John. “Ang tagal na kasi nang huli kaming magkasama parang little sister ko siya dahil batang-bata pa siya noon, 12 years old lamang, ngayon, muli kong nakasama, asawa ko na siya sa story.

“But I’m really very thankful at masaya ako dito sa GMA, dahil after ng Victor Magtanggol, binigyan nila agad ako ng bagong project at naiiba naman sa mga story na nagawa ko na.  At halos lahat din ng kasama ko rito, first time kong makakasama, except for Glydel Mercado, dahil nakasama ko na noon at friend ko naman ang husband niyang si Tonton Gutierrez.”

Gaganap ngang mag-asawa sina John as Arthur, na mahilig sa mga folk tale. Si Carmina ay si Aya.

Ang Kara Mia ay based sa true story na nangyari sa India, pero hindi raw nabuhay ang kambal, namatay sila pagkasilang sa kanila. Iyon namang nangyari raw sa Great Britain ay hindi napatunayan at nanatiling isang urban legend lamang.

May premiere telecast ang Kara Mia sa Lunes, February 18, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7, sa direksyon ni Dominic Zapata.

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with