Piolo and Yen nai-promote ang Aurora Borealis
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - February 16, 2019 - 12:00am

Baka kung nung kapapalabas pa lamang ng Northern Lights starring Piolo Pascual and Yen Santos ko sinabi ito ay baka pagtaasan pa ako ng kilay ng maraming tagasubaybay ng local movies.

 

Hindi pa ganun kakilala ang leading lady ni Papa P sa nasabing movie, pero after kawawain siya’t pagtaksilan ni Sam Milby at matapos na matapang niyang mabalikang muli ang kanyang buhay ay wala nang hindi nakakakilala at nakikisimpatiya sa character na ginagampanan ni Yen sa seryeng Halik. Gusto kong sabihin na the film, which was shot in Iceland attracted a lot to the place na nagi­ging paboritong puntahan na ng maraming showbiz celebs ngayon.

Si Alden Richards ay umalis last Tuesday bound for the same destination. Sa April magkakaroon din ng adventure dito ang magdyowang sina Mikael Daez at Megan Young.

Ibang experience marahil ang ibinibigay ng Aurora Borealis sa pumapasyal sa nasabing bansa lalo na sa panahon ngayon na kung saan ay kinukulayan nito ang kalangitan.

Pelikula ng LizQuen nakalampas na sa sumpa!

Sana mas lumakas pa sa takilya ang Alone/Together. Mahigit P20 million ang itinala nito sa takilya sa unang araw ng pagpapalabas nito. Nakatutuwang hindi inabot ng LizQuen movie ang hindi magandang kapalaran na sinapit ng mga naunang mga pelikula na naipalabas na  pero sumemplang sa takilya.

Baka rin naman nag-improve na ang taste ng maraming moviegers o mas naging supportive na ang mga fan ng movie nila. Sa dami ng fans ng mga artista, walang sesemplang na movie kung lahat sila ay manood din ng sine at huwag makuntento sa pagtili at pagsigaw lamang sa kanilang mga idolo.

Nora 1971 nang unang maging box office queen

Si Nora Aunor ang napili ng 50th Box Office Entertainment Awards na pagkalooban ng Lifetime Achievement Award sa isang parangal na magaganap sa mga darating na araw. Isang pagkilala ito sa Superstar na naging First Box Office Queen nung  1971.

Kara Mia hindi tamang itapat sa Probinsyano?

Para namang hindi wise yung decision ng GMA-7 na ang bagong serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na Kara Mia ang ipangtatapat nila sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Bakit sumuko na ba ang Cain at Abel?

Kung sabagay ganitong kapalaran din ang inabot ng Victor Magtanggol ni Alden Richards. Hindi naman nakapagtataka dahil nasa kasukdulan na ang kuwento ni Cardo Dalisay.

Pero, kawawa naman sina Barbie at Mika kung siya ang susunod na maging biktima ng AP. Magmimistulang isang suicide attempt ito.

PIOLO PASCUAL YEN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with