^

Pang Movies

Matapos magpahinga sa abroad, Diego lilipat na ng network?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Matapos magpahinga sa abroad, Diego lilipat na ng network?!

Totoo ba ang tsismis na lilipat na raw ng network si Diego Loyzaga pagbalik niya mula sa kanyang bakasyon sa abroad?

 

Nagbakasyon muna sa abroad si Diego, dahil si­guro nga kailangan naman niyang maiba ang kanyang environment kahit na sandali matapos na makaranas siya ng matinding depression. Hindi na naman lihim ngayon kung ano ang mga nangyari. Hindi na rin lihim kung ano ang dahilan ng kanyang depression. Ang mahalaga nakakabawi na ngayon si Diego, at maganda na ang disposisyon sa buhay.

Interesado pa rin naman daw si Diego na ituloy ang kanyang showbiz career at sa ngayon ang pinag-aaralan nila ay ang offer na kanilang natanggap mula sa isang network, na sinasabi ng ilang sources na “definitely a better deal”. Okay iyan.

Chef na nambastos kay Sunshine at sa kanyang anak, tanggal na sa trabaho!

Talagang walang ibubungang mabuti ang kabastusan. May isang bastos na nagpadala ng message sa aktres na si Sunshine Cruz, na pinagpapantasyahan siya at ganoon din ang kanyang anak. Natural magagalit si Sunshine, dahil pati anak niya binabastos na. Noong unang sinita niya ang kabastusan nang nagpadala ng message, sumagot pa iyon na pasensiya na raw dahil na-hack ang kanyang account. Pero pagkatapos ng ilang linggo, umulit na naman iyon.

Hindi na tumigil si Sunshine, tapos na-trace niya na ang bastos palang iyon ay nagtatrabaho raw bilang isang chef sa isang hotel sa Pasay. Gumawa na siya ng tamang aksiyon. Kumilos din naman ang management ng kumpanyang pinapasukan ng bastos na chef.

Sa kanilang imbestigasyon, lumabas na inamin ng bastos na chef na siya nga mismo ang nagpadala ng bastos na messages sa social media account ni Sunshine. Dahil doon inutusan siya ng kumpanya na humingi ng isang public apo­logy at tapos tinanggal din siya sa trabaho dahil sa unbecoming conduct at iyong kumpanya mismo ang humingi ng dispensa kay Sunshine at sinabi kung anong aksiyon ang kanilang ginawa laban sa bastos na chef. Ipinaliwanag din naman nila na hindi empleyado ng hotel ang bastos na chef, kundi tauhan lamang siya ng isang agency na nagse-service sa hotel.

Ganyan ang inaabot ng mga bastos, at maraming ganyan sa social media na nakakalusot pa rin hanggang ngayon. Marami kang makikitang bastos sa social media na malaya nilang nagagawa iyon dahil ang iba ay gumagamit lamang ng dummy account. Hindi mo naman masabi kung ano ang dummy account dahil kahit sino makagagawa ng social media account at ang iba ay marami pang accounts na ginagawa.

Kaya ang social media talaga, dapat bantayan nang husto. Hindi lamang ganyang kabastusan ang umiiral diyan. Nagkalat din ang porno sa internet na nabubuksan kahit na ng mga bata. Matindi rin ang fake news kaya iyan hindi na pinaniniwalaan ng matitinong tao.

Aktor na macho image, nag-attempt i-take home ang isang model

Totoo ba na ang isang male star na may macho image ang tinukoy ng isang male model na nagyaya sa kanya sa isang coffee shop, inalok siyang sumabay pauwi sa kanyang kotse at pagkatapos ay gusto na siyang “i-take home”? Kung sabagay, hindi ito ang first time na may tsismis na kumukuwestiyon sa gender preference ng baguhang macho male star na iyan.

Mukha namang dati na siyang “may record sa ganoon” noon pa mang una.

Kung totoo iyan, wala na ang career ng baguhang ‘yan.

vuukle comment

DIEGO LOYZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with