^

Pang Movies

Sylvia mabibilang lang ang eksena kay Liza

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Sylvia mabibilang lang ang eksena kay Liza
Sylvia Sanchez

May bagong movie na nakatakdang gawin si Sylvia Sanchez, titled Kapalaran.

Kapalaran was a title of a popular na awitin ng late singer na si Rico J Puno.

Asked if the movie will be a tribute to Rico J., Sylvia said she has no idea. Pero unang basa pa lamang daw niya ng script ay nagustuhan na niya agad ito.

Sylvia is in the currently showing na pelikula nina Liza Soberano at Enrique Gil, ang Alone/Together.

Mabibilang sa daliri ang eksena niya bilang mabait at maunawaing ina ni Liza. Naka-focus lahat halos ng kabuuan ng pelikula kina Liza at Enrique.

Ganunman, ‘di puwedeng sabihing ‘di naka-agaw-pansin ang portrayal ni Sylvia sa nasabing pelikula, which only proves na galing ng portrayal ng isang artista is not dependent sa length ng role assigned to her/him, kung hindi kung paano niya ini-execute ito.

Bukod nga pala sa Kapalaran, may natapos nang movie si Sylvia, where she plays the title role. Ito ay ang Jesusa, which originally was offered to superstar Nora Aunor, who initially turned it down. But on second thought Nora changed her mind.

And nag-decide na ang produksiyon at ang direktor na si Ronald Carballo na si Sylvia na talaga ang gaganap na Jesusa.

Well, ang tawag diyan ay Kapalaran, ‘di ba, Sylvia?

Jesusa will be shown sometime in March.

Jinggoy hindi priority ang pelikula

How nice ng ginawang gesture ni former Senator Jinggoy Estrada, Salve A., when at the recent presentation of the Senatorial candidate of the Hugpong Ng Pagbabago in Pampanga, dalawa sila ng kanyang half-brother na si Senator JV Ejercito, na magkasabay na tinawag on stage.

Well, sa halip na makipag-kamay lang kay Senator JV, tulad ng ginawa ng ibang kandidato, itinaas niya ang kamay ng kapatid na labis na hinangaan ng mga ordinaryong mamamayan, lalo na.

Mabuhay ka, Jinggoy.

Samantala, unlike his fellow Senator and good friend, former Senator Bong Revilla, hindi kasama sa priority ni Jinggoy ang sumabak kaagad sa paggawa ng movie anuman daw ang kapalarang naghihintay sa kanya ngayong mid-term eleksyon.

Tingin niya raw, hindi pa siya dapat humarap sa kamera. Inamin ni Jinggoy na during his confinement sa Custodial Center ng PNP, hindi siya gaanong nag-exercise.

Lalo nang lumabas siya. Talagang ini-enjoy raw ang sarili. Lalo na sa pagkain.

Ang hindi maipagkakaila, kuminis lalo ang kutis ni Jinggoy. Dala raw ito marahil ng kapayapaan sa kanyang kalooban. Iba raw talaga when you are a free man.

This early, may mga balak na siyang gawin para sa ating bayan at mga kababayan, na ‘di raw muna niya ia-articulate.

May tamang panahon daw.

Magaganda ang naging reviews…

Liza and Enrique said na bagama’t there was no confirmation in the past na sila ngang dalawa, never did they deny too their being too close for comfort.

Kaya, nang tanungin sila ng entertainment press how long the two of them were together, na casually nilang sinagot ng two years na. October daw ang kanilang anniversary month, ayon kay Liza.

Only 21 year old, marriage, though, is not her priority. Neither si Enrique, who is 26.

Both feel na dahil maganda ang takbo ng kanilang showbiz career, they should take advantage of it.

In their currently showing movie, Alone/Together, maganda ang review ‘di lang sa pelikula, which has Antoinette Jadaone at the helm, but their individual performances, too.

Happy VDay…

Since it’s Valentine’s day today, all the love for all of us, Salve A.

Yes, lalo na sa readers ng PM (Pang Masa). (Maligayang Araw ng mga Puso sa ating lahat. Stay in love folks. – Salve A.)

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with