Mika dela Cruz at Nash Aguas
Mika at Nash alam na alam na pati amoy ng utot ng isa’t isa
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 14, 2019 - 12:00am

Pero 4 months pa lang ang relasyon

Four months pa lang ang relasyon nina Mika dela Cruz at Nash Aguas pero feeling ng young actress ay matagal na sila dahil nga bata pa lang ay magkasama na sila sa Goin’ Bulilit aside from the fact na mahigit isang taon siyang niligawan ng young actor.

Dahil nga kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, parang wala naman daw nabago ngayong sila na at noong hindi pa sila.

“Wala pong nagbago, para kaming magkaibigan lang. ‘Yun ‘yung masaya, eh. Para kaming magkapatid magbubugan, mag-asaran. Iba nga, tita, eh,” sabi ni Mika nang makausap namin sa mediacon ng Kara Mia, bago niyang teleserye sa GMA-7 kasama si Barbie Forteza.

Sobrang kumportable na nga raw nila sa isa’t isa kahit bago pa lang sila na pati amoy ng utot ng isa’t isa ay alam na nila.

“’Umutot ka no? Ang bango,’ ganu’n kami. Ang saya lang, para lang kaming mag-best friends,” kwento pa ni Mika.

Pati nga raw ang mga pami-pamilya nila ay magkaka-close na rin. At ang maganda raw kay Nash, talagang lagi raw itong may oras para sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Nage-effort siya, lagi siyang may time, lagi siyang naghahanap ng time. Never siyang nawalan ng time, kahit sa family ko. Lahat ng pamangkin ko, pag nag-check-up, pag nag-ospital, nandiyan siya.”

Kaya nata-touch din naman daw talaga ang kanyang pamilya kay Nash.

“Sanay na nga po sila, tita. Hinahanap na po siya. Eh eversince bata naman (kami) tita, lahat ng family occasion. ‘Yung pamangkin ko, mage-eight na ngayon, nun’g first birthday nu’n, nandu’n siya (Nash). Ganu’n, eh. Parang family friend na rin namin, pati ‘yung family niya, sobrang close ko. Ibang klase po.”

Noong mga bata sila ay nagkatrabaho na sila sa Goin’ Bulilit kaya naman natanong namin kay Mika kung gusto ba nilang magkatrabaho ulit ngayong sila na?

“Ayaw po namin. Kasi kahit anon’g sabihin mo, tita, nababahiran ng showbiz, eh. Nababahiran ng “kailangang magtrabaho,” alam mo ‘yun, tita? Ayaw naming maging ano dahil kailangan naming mag-promote or something.

“Kung baga, okay na ‘yung ganu’n na magkahiwalay kami. Iba ‘yung buhay niya, iba ‘yung buhay ko. Sinusuportahan ko siya, sinusuportahan niya ako. Saka nagkatrabaho na kami before. Okay na po ‘yun.

“May nag-o-offer nga sa amin ng movie, sabi namin, ‘matatawa lang tayo pag nagsu-shoot tayo, hindi natin magagawa nang matino ‘yan.’ ‘Yun po, ganu’n lang kami.”

Samantala, sobrang happy ni Mika na finally ay nabigyan na rin siya ng first title role ng GMA-7. At ito rin ang first mature role niya ever since galing nga siya sa pagiging child actress at teen star.

Ginagampanan nila ni Barbie sa Kara Mia ang role na magkapatid na ipinanganak na may Disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect kung saan ay mayroon silang dalawang mukha subalit nasa iisang katawan lang.

Dahil siya nga ang nasa likod ng karakter ni Barbie (Kara), sobrang challenge raw sa kanya ang mga eksena niya dahil lahat ay kailangan niyang gawin nang patalikod pati paglalakad.

Magsisimula na sa Feb. 18 ang Kara Mia sa GMA Telebabad. Kasama rin sa serye sina Jak Roberto at Paul Salas bilang leading men ng dalawang bidang aktres.

MIKA DELA CRUZ NASH AGUAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with