^

Pang Movies

Megan at Mikael paglalaro ang aatupagin ngayong Valentines Day

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Megan at Mikael paglalaro ang aatupagin ngayong Valentines Day
Megan Young

Ngayong Valentines Day, nagdesisyon na magpaka-low-key ang mag-sweethearts na sina Megan Young at Mikael Daez. Ayon kay Miss World 2013, hindi raw sila sasabay ni Mikael sa paglabas ng maraming tao sa Araw ng mga Puso. Alam daw nila na tuwing V-Day ay traffic at puno ang mga restaurants at siksikan sa mga venue kung saan may mga show. Kaya mas pinili nilang maglaro na lang ng video games at kumain ng ice cream sa bahay.

“Mag-stream lang kami ng game namin, ‘yun ‘yung Valentine’s namin. I think ang gagawin namin, mag-i-ice cream cup, ‘tapos maglalaro ng video games,” ngiti pa ni Megan.

Mas gusto raw nila Megan at Mikael ang hindi masyadong high-profile relationship kahit na celebrities sila. Gusto pa rin daw nilang may misteryo ang relasyon nila sa ibang tao.

Tuloy din ang mga travels nila Megan at Mikael. Sa March ay may bakasyon sila sa isang beach resort at sa buwan ng April ay naka-schedule ang bakasyon nila ni Mikael sa bansang Iceland.

Kung ‘yung iba raw ay ang Northern Lights sa Iceland ang gustong makita, iba naman daw ang gagawin nila Megan at Mikael sa Iceland.

“Well we want to do a photography tour, parang photography workshop siya. We’re not really there to see the Northern Lights. It’s more of like the adventure and the hiking and going out there.

“Mas nature trip talaga siya. So... pa-summer na rin yata du’n ngayon eh so at least hindi na masyadong malamig,” pagtapos pa ni Megan Young na nag-renew ulit ng kontrata with GMA-7.

Former PBB housemate na si Wendy Valdez nanghihingi ng dasal, may kakaibang sakit ang anak

Nanghihingi ng dasal ang former Pinoy Big Brother housemate na si Wendy Valdez para sa kanyang anak na si Seth na sasailalim sa isang hip surgery. Pero hindi natuloy ang operasyon ng bata dahil inatake raw ito ng seizure.

Nilahad ni Wendy na ipinanganak niya si Seth na may spina bifida. Isa itong birth defect kung saan may incomplete closing ng backbone at membranes na pumapaligid sa spinal cord. Nagkakaroon ito ng hairy patch, dimple, dark spot, or swelling sa likod kung saan may gap sa spine ng baby.

Naka-schedule na nga raw na maoperahan si Seth noong February 9 nang biglang nag-seizure ito.

Sa latest update ni Wendy sa kanyang anak, bumubuti na raw ang kalagayan nito pero binabantayan daw nila ang temperature nito kaya panay ang pagbigay nito ng sponge bath.

Ang gagawing operasyon kay Seth ay para maitama ang hip bone nito. Kailangan daw kasing lagyan ng braces ang hip ng bata para tama ang pagkaka-align nito.

Isa sa mga naging housemates si Wendy sa season 2 ng Pinoy Big Brother noon 2007. Bago ito sumali sa naturang reality show, nakoronahan siya bilang Bb. Pilipinas-Tourism noong 2005.

Pagkalabas ni Wendy ng Bahay ni Kuya, pinagbida ito agad sa teleserye na Margarita ng ABS-CBN 2.

Apat na taon nang inactive si Wendy sa showbiz simula noong magkaroon ito ng sariling pamilya at tutok ito sa kalagayan ng kanyang anak

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with