^

Pang Movies

Mga isinasamang artista mas pinapalakpakan pa kesa sa mga kandidato

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sumama ang isang sikat na artista sa kick off rally ng isang partido na ginanap sa probinsiya.

Eh base sa nagpunta sa rally, nang ipakilala ang isang senatoriable, mas malakas pa raw ang palakpak sa artista kesa sa ilang kandidato, huh!

Sa totoo lang, may disadvantage rin ang pagsama o pagkuha ng mga artista sa rallies o di kaya ay sa motorcade. Siyempre artista ‘yon kaya mas kilala ng mga tao, huh!

Eh mas may hatak talaga ang mga artista sa tao dahil sila ‘yung madadalas napapanood sa TV o movies.

Kaya kung malakas man ang palakpak sa kanila kesa sa mga kandidato, own look out na ‘yan ng namamahala sa kampanya, huh!

Paglipat ni Mylene sa GMA, fake news!

Umugong ang balita sa presscon ng Kapuso series na Kara Mia na lumipat na sa GMA-7 si Mylene Dizon. Eh sa pagtatanong namin sa ilang empleyado ng GMA Artist Center, wala silang balitang lumipat ang aktres sa GMA.

Eh sa series, isa sa main cast si John Estrada. ‘Di ba, isa sa rason diumano si Mylene kaya lumayas sa Channel 2 si John?

Wala namang sumubok na kunin ang reaksyon ng aktor kung totoo nga ang balita.

Kami naman, tinanong namin si John kung kelan lilipat sa GMA ang kaibigan niyang si Derek Ramsay.

“Malapit na! Malapit na!” tugon lamang ni John na bro ang turing kay Derek.

At kung merong bagong kapareha si John sa latest series, ‘yon ay si Carmina Villaroel na nakasama niya noon sa sitcom na Palibhasa Lalake.

Local artists solung-solo ang Valentine’s day

Happy Hearts Day sa lahat ng readers ng Pang Masa (PM). Sa okasyong ito, kaliwa’t kanan ang concerts pero karamihan ay bida ang local concert artists, huh!

Sa unang pagkakataon matapos ma-detain, isi-celebrate ni dating Senator Bong Revilla ang V-day kasama ang asawang si Mayor Lani Revilla. Manonood sila ng concert pero sa huling pakikipag-usap ni Bong sa media, wala pa silang desisyon kung kaninong concert ang panonoorin nilang mag-asawa.

At least ngayon, solung-solo ng OPM artists ang concert scene dahil itsa-puwera muna ang foreign acts, huh!

vuukle comment

MYLENE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with