Sunshine umalma sa pambabastos ng chef sa kanya at sa anak!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

Umalma si Sunshine Cruz sa direct message sa kanyang Instagram ng isang diumamo’y chef na nagpapantasya sa kanya at sa kanyang anak.

Bastos ang mga DM sa kanya ng taong ‘yon, kaya pinost niya ang mga ‘yon.

Sabi pa ni Sunshine, nai-blocked siya sa IG ng chef na ‘yon.

Sabi naman sa Facebook account ng chef na ‘yon, na-hack daw ang IG nito, pero tila ayaw maniwala ni Sunshine.

Pati raw sa FB ay nai-blocked na si Sunshine ang nasabing chef.

Hindi lang non-showbiz followers ni Sunshine ang nagkomento tungkol sa bagay na ‘yon dahil pati ibang celebrity-friends ng aktres at nagkomento rin.

Dapat imbestigahan ang bagay na ito para malaman kung na-hack nga ba ang account ng chef na ‘yon.

Sabi pa ni Sunshine sa kanyang text message sa akin “He deserved my posts Jun. Da­ming ibang biktima who messaged me.”

Bukas ang pahina ng PM (Pang Masa) kung sakaling gustong magpaliwanag ng chef na ‘yon sa mga mahahalay na DM nito kay Sunshine.

Samantala, kasali si Sunshine sa Valentine Extravaganza dinner-concert na produced ni Annabelle Rama na ginanap kagabi sa Marriott Grand Ballroom.

Businessman at GF na aktres, ayaw umamin sa pagpapakasal!

Ikinaila ng isang businessman ang tsikang malapit na silang magpakasal ng girlfriend niyang kilalang aktres.

Matagal na ang relasyon ng dalawa, kaya marami ang dudang malapit na silang pakasal

Ginawa kong blind item ang tsikang ito dahil ang sabi sa akin ni businessman ay huwag ko na raw siyang isulat.

Well...

Dating young actor kinahuhumalingan pa rin kahit na ‘duty free’

Magaling daw sa kama ang isang dating young actor, kaya naman kahit natsitsikang “Duty Free” (dyutay / maliit ang bird ) ang kargada nito ay marami pa ring mga babaeng nahumaling sa kanya.

Pero ang tsika nga, naging mapagbigay siya kahit sa mga starlet na nagkakagusto sa kanya noong araw, kaya naman pati size ng kanyang kargada ay natsika tuloy.

Pero kahit naman hindi jackpot ang girls sa kargada ni dating young actor, panalo naman sila sa kaguwapuhan niya.

Pelikula nina Liza at Enrique inaasahang papatok!

Inaasahang ang Alone/Together ang first local movie na magiging blockbuster.

Sana nga ay kumita ang pelikulang ito nina Liza Soberano at Enrique Gil dahil ‘uhaw na uhaw’ ang mga sinehang nagpapalabas ng local movies.

Sana rin ang mga Pinoy na nagsasabing suportahan ang local movies ay manood talaga ng mga pelikulang Pinoy na ipinalalabas sa mga sinehan.

Huwag puro Netflix at iFlix na lang, ‘noh?!

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with