Dingdong Dantes
Dingdong magiging delivery boy sa Valentine!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

Jackpot ang mahahatiran ni Dingdong Dantes personally made roses sa Valentine’s Day na gawa ng @floridabymarian. Yes, papapel na delivery boy this time si Dong base sa announcement ni Yan sa kanyang Instagram bilang treat sa kanyang clients.

“It’s coming up roses for three special clients by Flora Vida by Marian. Dingdong!

“Who could possibly at your door/ Surprise...Dingdong Dantes will personally deliver the Flora Vida by Marian order of some lucky customers on Valentine’s Day.

“Who knows, you might just be the lucky recipients of Flora Vida by Marian’s special treat.”

Nu’ng nakaraang posts ni Yan sa IG, pumapel na model si Dong ng negosyo niya. Siyempre, labor of love niya ‘yon sa asawa, huh!

Anyway, maigting ang aktingang ipinamalas nina Dong at Dennis (Trillo) nu’ng Monday episode ng Cain at Abel. Nabisto na kasing magkapatid sila at kapwa nangungusap ang mga mata ng dalawang bida sa isiniwalat ng lumabas na ina nilang si Chanda Romero.

Of course, may umangat sa galing between Dong at Dennis at kung sino ‘yon, sa amin na lang ang aming choice, huh!

Jinggoy at JV nagyakapan na!

Binati ni dating Senator Jinggoy Estrada ang half brother na si JV Ejercito nang magsama sila sa kick off caravan ng Hugpong ng Pagbabago party sa San Fernando, Pampanga kahapon.

Magkasama sila sa isang partido at kapwa tumatakbong muli sa pagka-senador.

Eh hindi lang binati si Sen. Jinggoy ang kapatid kundi kinamayan pa niya at itinaas ang kamay nito.

Ayon sa pahayag ni Sen. JV, mahabang panahon bago sila nagkamayan ng kapatid at sa gitna ‘yon ng maraming taong dumalo sa rally, huh!

Ang pangyayari kayang ‘yon ay hudyat na natuldukan na ang kung anumang hidwaang namamagitan sa dalawang senador?

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with