Terrence naging responsible nang mag-asawa
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

Romy Balili ang pangalan ng nag­mamaneho para sa akin kapag may lakad ako at kapatid siya ng ­aking trusted kasambahay na si Mel.

Sobrang favorite ng anak ni Romy ang basketball player na si Terrence Romeo. Tuwang-tuwa siya na player na si Terrence ng San Miguel at win agad ang team niya sa kanyang unang salang.

Parang hindi maintindihan ng mga ibang kasamahan ni Terrence ang ugali nito dahil sinasabi nila na may tantrums o sumpong siya.

Siguro dahil passionate player si Terrence kaya give all ang laro at ang attitude niya.

No one can deny na isang napakahusay na basketball player ni Terrence at mula nang maging married man siya, mas naging responsible ang attitude niya.

Basta para sa anak ni Romy, si Terrence ang number one basketball player kaya may surprise sa kanya si Nap Gutierrez mula kay Terrence. Thank you Nap G.

Farm ni Cristy Fermin hitik ng mga prutas

Kapag nagkaroon ako ng bahay na may malawak na garden, langka, mangga, kamias at guyabano ang mga itatanim ko.

Amazed na amazed ako pag nakikita ko ang tanim na langka na every year ang daming bunga, ang kamias na all year round ang pamumunga, ang bungkos-bungkos na bunga ng manga at guyabano.

Very pleasing na makita ang mga puno na nandiyan lang, hindi naman inaalagaan pero ang daming bunga na puwedeng kainin.

Kapag nakikita mo mga ganoong puno, talagang patunay na nandiyan si God. Imagine, giving us so much, andiyan sa paligid mo at puwedeng pakinabangan.

Kung may lupa ako na malawak, talagang mga fruit bearing tree ang itatanim dahil parang ang suwerte-su­werte na abot-kamay mo lang ang mga pagkain.

Hay naku, inggit na naman ako kina Nestor Cuartero at Cristy Fermin, may farm sila at alaga nila akong bigyan ng bunga ng kanilang mga pananim.

Sana meron din akong farm na puwede kong punuin ng mga puno ng langka, mangga, kamias at guyabano at kapag sobra ang bunga, ipamimigay ko. Haciendera lang ang peg di ba?

Restaurant nina Anthony at Rossel hindi lasang fast food

Hindi lang dahil mabait sa atin si Anthony at Rossel Taberna, Salve, pero honestly gustong-gusto ko ang food sa Ka Tunying.

Hindi kasi lasang fast food o hindi ‘yung parang tinipid ang rekado, talagang lutong bahay ang lasa ng mga pagkain sa Ka Tun­ying.

Ang sarap ng mga ipinamigay nila na gift noong Christmas, ang bottled tuyo at sardines na tinalbugan ang ibang dried tuyo and sardines.

Malaking bagay na personal ang pamamahala nina Ka Tunying, Rossel at Haydee sa mga branch nila kaya hindi nagbabago ang quality ng pagkain at serbisyo.

Kung hindi lang nawala ang branch sa tapat ng GMA-7, sana lagi pa rin sa Ka Tunying ang mga presscon pero magaganda naman ang mga outlet nila ngayon, sa mga branch ng SM Mall at sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Basta ako, number one fan ng champorado at pansit ni Ka Tunying. Subukan n’yo, sure ako na magiging addict din kayo sa mga pagkain sa restaurant nina Rossel at Ka Tunying.

Maganda ang branch nila sa North Towers ng SM North Edsa at very convenient puntahan. Go na, eat na sa Ka Tunying’s na reasonable ang price at good service pa, maniwala kayo.

TERRENCE ROMEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with