Joey dinadaan sa biro ang lungkot sa pagkamatay ng ina
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

“Wala nang maka-quorum sa mah-jong ang ermats ko, kaya nag-last jai alai na kagabi. I love you Ma,” ang maikling sinabi ni Joey de Leon sa kanyang social media account na nagbabalitang yumao na nga ang kanyang ina, si Mrs. Emma Manahan Ramos de Leon sa edad na 93.

Ganoon kasimple ang reaksiyon ni Joey, pero halata mo ang kanyang kalungkutan kahit na pini­pilit pa rin niya ang kanyang sarili sa pagho-host ng kanilang noontime show kinabukasan.

Namatay si Mama Emma, alas diyes ng gabi noong Linggo, February 10.

Pero sinasabi nga nila, sa edad na 93, isang bonus na iyon at masasabing napakahabang buhay na ang kanyang naranasan. Sinundan pa iyon ng mga ibang biro ni Joey na nagsasabing “magkikita na kayo ni Papa Pepe, baka naman mag-away pa kayo riyan”.

Dinadaan niya sa biro, dahil sinasabi nga nila, ko­medyante siya eh. Ang isang nagpapatawa ay hind  i dapat makita ng publiko na umiiyak, Pero alam namin deep inside umiiyak din si Joey.

Iyon ang aming pinag-uusapan nang bigla namang nabalita na namatay na rin ang aktres-producer at singer na si Armida Siguion-Reyna. Kum­plikasyon iyon ng cancer. Sinabi ng kanyang kapatid na si Senador Juan Ponce Enrile, na “ginagamot naman siya pero namatay din. Natutuwa na rin ako para sa kanya dahil ngayon ay makapagpapahinga na siya. Wala na siyang mararamdamang sakit”.

Si Siguion-Reyna ay nagsilbi rin bilang chairman ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) noong panahong presidente pa si Joseph Estrada. Ang kanyang panunungkulan bilang MTRCB Chairman ay naging kontrobersiyal dahil sinasabing maluwag siya sa mga pelikulang tinututulan ng mga religious group, lalo na ang JIL ni Eddie Villanueva. Pero on record, may mga pelikulang hindi niya pinalusot dahil sa pagpapakita ng sex, kabilang na ang pelikulang Toro. Pero binago ang title at ginawang Live Show, na pinalusot naman noong panahon ng sumunod sa kanyang si Nick Tiongson, na napilitan ding mag-resign dahil sa pagpapahintulot sa pelikulang iyon at sa pressure ng simbahan, lalo na ng noong ay Arsobispo ng Maynila, Jaime Cardinal Sin.

Eksena ni Lito sa AP parang pelikula

Isipin ninyo kung gaano kagaling si Lito Lapid.

Ang kalabang hinahabol niya ay nakasakay sa SUV, siya ay naka-kabayo lamang at isang pistola lang ang dala, pero kinalaban niya ang grupo ni Jhong Hilario na ang dala ay puro mga automatic assault rifle. Pinapaulanan siya ng bala, pero hindi tinatamaan.

Ang akala nga namin ay isang lumang pelikula niya ang pinanonood namin eh, iyong Leon Guerrero. Pero ewan, iyon yatang mga ganoong eksena ay bahagi na ng action movies at ngayon sa telebis­yon na rin na gusto pa rin iyon ng mga Pinoy.

Iyon ang character ng Pinoy eh, gusto nilang makitang napakahusay ng kanilang mga iniidolong artista kahit na sabihin mong halos imposible na ang eksena.

Aktor na pinakikialaman ng ama hindi na pinag-iinteresan ng home network

Ayaw na raw talagang pansinin ng kanyang home network ang isang male star dahil sa kanyang hindi magandang working attitude at  pakikialam ng tatay niya. Minsan talaga problema iyan ng mga artista eh, oras na makialam na sa pagdiskarte ang mga magulang na akala mo ba walang tiwala sa kanilang managers na mas marunong namang makipag-usap kaysa sa kanila. Lumulubog na ang artistang kagaya niyan, wala naman silang magagawa.

EMMA MANAHAN RAMOS DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with