Cristine Reyes
Cristine nakakuha ng simpatya sa pananahimik
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

Kay Cristine Reyes may simpatiya ang ma­raming tao dahil wala itong comment tungkol sa sinapit ng kanyang marriage kay Ali Kathibi. Both parties ay tameme sa isyu. Basta tinatanggap na isang paraan ng pagmu-move on ng aktres ang madalas na pakikipag-bonding nito sa kanyang sisters.

Sila ang kasama niya nang mag-celebrate siya ng 30th birthday niya sa Thailand. Join din siya sa maraming physical adventures ni Ara Mina na na-realize niya kung gaano ka-protective sa kanya at kung gaano siya kamahal after magka-problema siya sa asawa niya.

Jinggoy kumpirmadong gumastos sa OFWs

Akala ko propaganda lang ni former senator Jing­goy Estrada yung mga ginawa niyang pagtulong sa maraming OFWs na napariwara sa kanilang mga trabaho sa abroad. Hindi bahagi ‘yun kanyang trabaho pero gumamit siya ng sarili niyang pera para mapauwi dito at makapiling muli ng mga OFW ang kanilang pamilya.

James at Nadine nag-enjoy sa anniversary

Buti na lamang at nagawa ng JaDine na magkasamang ipagdiwang ang kanilang third anniversary sa kabila ng kabisihan nila sa projects na hindi sila magkasama. Malaking effort talaga yung ginawa nilang selebrasyon sa isang beach resort na hindi man kasama ang JaDine fans ay naroon silang lahat in spirit.

Magandang move sa part ng JaDine ang maghiwalay muna sila sa panahon ngayon na dumaranas ng tagtuyot ang mga pelikulang lokal. Sunud- sunod ang pagsemplang ng mga pelikula ngayon sa takilya kahit pa ‘yung nabigyan ng grade A. At least together sila in spirit, hindi tulad ng KathNiel na dumadaan marahil sa isang pagsubok. Bukod sa nag-unfollow ang isa’t isa sa kanilang social media accounts na agad naman nilang itinanggi, madalas ay hindi na silang nagkakasama sa lakaran lately.

Mag-isang tinanggap ni Kathryn Bernardo ang award para sa pelikula nilang The Hows Of Us mula sa 3rd Film Ambassadors Night ng Film Development Council of the Philippines. Sinamahan si Kathryn nina Olive Lamasan at ng sumulat ng kuwento ng The Hows of Us.

Feeling naman ng fans nina Liza Soberano at Enrique Gil at ng marami nilang followers na gumigimik ang LizQuen para sa promo ng Alone/Together. Graded A rin ang movie pero, baka may takot sila dahil nga sa paghina ng maraming local films lately na nabigyan din ng grade A.

Ipe at Joseph swak na Digong at Bong

Dapat magpasalamat din ng malaki ni Presidente Rodrigo Duterte kay Bong Go. Sa ginawang pagpapalabas ng kuwento ng buhay niya sa Maalaala Mo Kaya ay napaganda niya ang imahe ng pangulo na pinaglingkuran niya ng matagal na panahon.

Nakatulong ng malaki na magaling ang nagportray sa kanilang dalawa na sina Philip Salvador at Joseph Marco. Pakiusap lang sa MMK, huwag nilang sunud-sunurin ang pagpapalabas ng kuwento ng mga pulitiko at baka naman maumay ang mga suki nila.

CRISTINE REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with