Ken Chan
Ken ‘di makapaniwala sa nasungkit na award
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

Napa-“Oh, my goodness” si Ken Chan nang malaman niyang nanalo siya at ang kanyang Afternoon Prime drama series na My Special Tatay sa coming 50th Box Office Entertainment Awards sa March 24.

More sa panalo niya as TV Actor of the Year (Daytime Drama), mas na-excite si Ken at hindi makapaniwala na winner din as Popular TV Program – Daytime Drama ang My Special Tatay, na talagang pinag-aralan niyang mabuti ang role bilang ang may intellectual defect na si Boyet.

Nagpapasalamat si Ken sa lahat ng sumusubaybay at nakakagusto sa kanilang afternoon prime drama at sana raw ay huwag silang bibitiw hanggang sa katapusan dahil marami pang mangyayaring maganda sa serye na dinidirek ni LA Madridejos at napapanood araw-araw pagkatapos ng Inagaw Na Bituin.

KC tumulong sa pagong

Nakakatuwa ang post ni KC Concepcion sa kanyang Instagram na kasalukuyang nasa San Vicente, Palawan, kasama ang French boyfriend niyang si Pierre-Emmanuel Plassart, na tinutulungan niya ang isang maliit na turtle (pagong) na pumunta sa dagat. Caption ni KC “When your baby turtle can’t wait to get to the sea, Us humans must make way!”

Ang ginawa ni KC, iginagawa niya ng daan sa beach ang turtle para makapunta ito sa dagat. Ang turtle naman parang naiintindihan ang ginagawa ni KC, humihinto siya kapag nakikita niyang hinahawi ang buhangin sa daraanan niya at kapag malinis na daraanan niya, saka siya ulit tutuloy sa paglalakad niya. Ewan lamang kung naihatid ni KC hanggang sa dagat ang turtle.

Valentine’s Day bukas kaya malamang doon na magsi-celebrate ng Heart’s Day sina KC at Pep.

Dennis at Dingdong alam na ang totoo!

Nakaka-excite na ang natitirang tatlong gabi ng action-drama series na Cain At Abel dahil mukhang punung-puno ito ng mga pasabog, gawin ba namang action director dito si Toto Natividad at si Don Michael Perez.

Noong isang gabi ay nakilala na ni Miguel/Elias (Dennis Trillo) at ni Daniel (Dingdong Dantes) na ang nawalay nilang ina noong mga bata pa sila, na nakilala nilang Fe (Chanda Romero) ay si Belen pala. Pero hindi matanggap ni Miguel na si Daniel pala ang kapatid niya at hindi rin niya malimutan na iniwan siya ni Belen kaya napasama ang buhay niya.

Napapanood ang Cain at Abel gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

KEN CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with