Bagong showbiz couple at isang actor na may love angle nakatakdang magkita-kita sa tourist spot!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

Ang saya siguro kung magkita-kita sa isang lugar sa ibang bansa na favorite tourist spot ang isa sa newest showbiz couple at ang aktor na minsan na na-link sa aktres na kasama sa tinutukoy naming newest showbiz couple.

Nabalita kasing sa favorite tourist spot pupunta ang newest showbiz couple at dahil nasa ibang bansa na sila, hindi na masyadong malayo ang kanilang bibiyahiin. ‘Yun ay kung hindi pa sila babalik ng bansa.

Ang balita namin, sa nasabi ring favorite tourist spot ang punta ng aktor na na-link sa aktres. Hindi siya maakusahang sinusundan ang newest showbiz couple dahil bago pa man mabalitang gustong pumunta sa malamig na lugar ang newest showbiz couple, plano na ng aktor na pumunta roon.

In fact, last year pa, sa interview sa aktor, nabanggit na nito na bibisitahin ang bansa at isa pang bansa na dream travel destination niya.

Kaya nga masaya kung magkikita-kita ang tatlo sa hindi pa namin mabanggit na bansa, saka na ‘pag may go signal na. Magkagulatan kaya ang tatlo?

Pam-pilot episode ng Kara Mia inulit ng bagong direktor

Nagpalit ng direktor ang Kara Mia.

 Iba kasi at hindi maganda ang nakarating na rason sa mga reporter na in fairness, walang nagsulat, respeto na rin sa naunang director.

Si Dominic Zapata na ang director ng Kara Mia na pilot na sa February 18, kapalit ng Cain at Abel. Ang tsika, kinailangang ulitin ni direk Dom ang pilot episode na kinunan sa Bacolod, kaya bumalik doon sina Carmina Villarroel, Mike Tan at John Estrada para ulitin ang mga eksenang nakunan.

Nakaka-intriga pala ang role ni Mike sa Kara Mia bilang si Iswal, ang engkantong tunay na ama nina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz). Thankful si Mike sa GMA-7 na sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Iswal.

Janine Teñoso suwerte sa 2019

Nag-post ang singer/recor­ding artist na si Janine Teñoso na maganda ang pasok ng 2019 sa kanya. “Thank God for this. Another dream come true. I will be performing with the best singers/songwriters in the industry—omgg my heart is just so grateful- can I just say this makes me nervous but mostly excited. I grew up listening to them.”

Ang tinutukoy ni Janine na “the best singers/songwriters” ay sina Joey Generoso, Ice Seguerra, Juris Fernandez, Jinky Vidal, Meds Marfil at Jay Durias na makakasama niya sa post Va­lentine concert na Playlist: The Best of OPM slated at the Smart Araneta Coliseum sa March 1.

In fairness, hindi pahuhuli si Janine sa husay ng mga nabanggit dahil magaling siyang kumanta at super hit agad ang song niyang ‘Di Na Muli na theme song ng hit Viva Films movie na Sid & Aya (Not A Love Story) nina Dingdong Dantes at Anne Curtis. Si Janine rin ng kakanta ng theme song ng Ulan, ang pelikula nina Carlo Aquino at Nadine Lustre.

JANINE TEñOSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with