Mga batikan sunud-sunod ang pagpanaw
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

In a span of less than one month, tatlong mga taga-industriya ang namaa­lam na sinimulan ng music icon na si Joey ‘Pepe’ Smith nung January 28, 2019 na sinundan ng komedyanteng si Bentong (Domingo Vusotros Brutamante, Jr.) nung nakaraang February 9. Two days later nung February 11 ay sumunod naman ang veteran singer-actress-producer at dating MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) chairperson na si Armida ‘Tita Midz’ Siguion-Reyna who died of colon cancer sa edad na 88.

Si Tita Midz ang naging producer-host-singer ng award-winning Aawitan Kita musical TV program na tumagal sa ere sa loob ng 34 taon. Naging movie producer din siya ng dalawang film outfit, ang Pera Films at Reyna Films na nakapag-produce ng mga quality at hit movies tulad ng Hihintayin Kita sa Langit, Ikaw Pa Lang Ang Minahal, Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin, Ang Lalake sa Buhay ni Selya at iba pa which were all directed by her son na si Carlitos Siguion-Reyna na mister naman ng veteran writer-director at actress-comedienne na si Bibeth Orteza.

In 2015, si Tita Midz ay naglabas ng kanyang autobiography book, ang Armida: Unfinished Memoir – The Singer and the Song.

Half-brother ni Tita Midz ang dating senate president na si Juan Ponce Enrile (94) na muling tumatakbo sa pagka-senador sa darating na halalan. Kapatid din niya ang veteran actress na si Irma Potenciano at mga apo naman niya ang singer-actors na sina Cris Villongco at Rafa Siguion-Reyna.

Joyce naiyak sa advance Valentine surprise ni Juancho

It was in late December nang unang aminin ng Kapuso actor na si Juancho Trivino  na nililigawan niya ang kanyang kapwa Kapuso talent na si Joyce Pring. Ang dalawa ay magkasama as co-hosts sa isa remote segment ng daily morning show ng GMA-7, ang Unang Hirit kung saan unang nagkalapit sila. Ang panliligaw ni Juancho ay kinumpirma rin ni Joyce.

Although wala pang direktang pag-amin na sila na, marami ang naniniwala na espesyal na ang turingan nila.

Since hindi magkakasama sina Juancho at Joyce ngayong Valentine’s day dahil nasa Singapore ang huli, ini-advance na ng Kapuso actor ang kanyang Valentine’s surprise sa tulong ng kanilang common friends.

Isang romantic pre-Valentine’s dinner date ang nai-set up ni Juancho for Joyce sa Sonya’s Garden in Tagaytay na ikina-sorpresa ng dalaga not knowing na kinasabwat ni Juancho ang kanilang mga kaibigan.

Halos maiyak sa tuwa si Joyce sa ginawang efforts ni Juancho. Hindi man sila magkasama sa araw mismo ng mga puso, nakatitiyak ang dalawa na espesyal sila sa isa’t isa.

ARMIDA SIGUION-REYNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with