Judy Ann Santos
Juday break muna sa trabaho, hinihintay pang matapos Ang Probinsyano
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Taping break pala muna sila Judy Ann Santos for her comeback series sa ABS-CBN na Starla.

Sure na raw kasi ang Ang Probinsyano ang papalitan nito pero wala pang ibinibigay na advice kung kailan.

Basta ang sinabi lang daw ng management  sa cast, papalit sila sa namamayagpag na serye ni Coco Martin pero kung kailan yun ang hindi nila alam ayon sa kausap kong support sa nasabing series.

Ang inaayos daw ngayon ng production ay ang special effects ng Starla dahil marami raw talaga itong effects.

Paalam Tita Midz...

Namaalam na ang actress, film producer and singer Armida Siguion-Reyna kahapon ng hapon.

Binawian ito ng buhay sa Makati Medical Center sa edad na 88.

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang ibang detalye na mula sa kanyang pamilya. Pero kinumpirma ito ng kapatid niyang si Irma Potenciano sa ABS-CBN.com.

Colon cancer umano ang ikinamatay nito.

Pero alam sa buong showbiz na matagal-tagal na ring dumaranas ng Alzheimer’s disease ang kilalang tita Midz ng industriya.

Sinabi na noon sa interview ng mga kapamilya ni tita Midz na nag-deteriorate ang kanyang kalusugan nang namayapa ang asawa niyang si Atty. Leonardo noong 2010.

Maraming kandidato nangako na naman ng tulong sa movie industry

Ngayong araw ang simula ng kampaya para sa mid term elections kaya asahang magiging fiesta ang paligid.

Maraming kandidato ang nangako ng tulong sa movie industry dahil sa kasalukuyan nitong kalagayan.

Pero sa mga nakaraang election naman ang dami nang nangako, pero so far lahat yata napako.

Hihihi.

Kaya vote wisely mga kababayan.

Piliin ang tama.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with