Liza Soberano at Enrique Gil
Liza forever na ang tingin kay Enrique
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Sa wakas ay umamin na rin sina Liza Soberano at Enrique Gil na may relasyon sila for more than two years now. Naganap ang aminan sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday na talaga namang labis na ikinatuwa ng host na si Vice Ganda at ng fans sa audience.

Sa segment na KuryenTanong kung saan ay may aparatong lie detector na makukuryente ang artista kapag mali ang sagot, tinanong ni Vice ang LizQuen kung sila na ba.

Napaamin nang hindi oras si Quen at sey niya, “yes.”

Sumigaw na nang malakas si Vice at pati na ang audience. Hindi na niya nagawang i-press pa ang aparato to know kung nagsisinungaling si Quen.

“Sapat na sa akin ‘yun, waaah!” sigaw ni Vice na may kahalo pang talon.

“Ang taray! Liza, kayo na palaaah!” sigaw pa rin ni Vice.

Ang siste, nasa audience rin ang manager ni Liza (na dati ring manager ni Vice Ganda) na si Ogie Diaz kaya pati ito ay na-on-the-spot.

But it looks like alam naman nga ni Ogie ang tungkol sa relasyon at tawa lang nang tawa ang manager.

Hindi talaga maka-move on si Vice Ganda sa pag-amin ni Enrique at paulit-ulit niyang sabi, “ang saya! Ang galing!” Biro pa niya, ang lie detector test daw ang pinakamagaling mag-interview sa lahat dahil sa dinami-dami ng nag-interview sa LizQuen ay wala silang inaminan kung hindi rito lang.

Ang sumunod na isinalang sa lie detector test ay si Liza at ang tanong sa kanya ni Vice, “matagal na kayo?”

Sabi naman ni Liza, “define matagal.”

Sagot naman ni Vice, “more than two years.”

Nahihiyang “oo” ang sagot ni Liza at sobrang kinilig na naman ang lahat.

Naaliw kami sa hitsura ng LizQuen matapos umamin dahil parang hindi nila mawari ang nangyari. Sa pagkakabasa namin, talagang hindi na lang talaga sila nakapagsinungaling nang diretsahang tanungin.

Pero nang tanungin naman ni Vice kung happy sila sa mga sagot nila, “oo” naman ang kanilang sagot.

Humirit pa si Vice Ganda ng isang tanong at tinanong kung anong month naging sila.

“Wala nang year, month na lang,” sey ni Vice.

Sagot naman ni Liza, “October.” As expected, sigawan na naman ang fans.

Bago nangyari ang aminan ay tinanong muna ni Quen si Liza ng “sa tingin mo ba ay tayo na forever?” na sinagot naman ng aktres ng “yes” at nagsasabi siya ng totoo dahil hindi siya nakur­yente.

Well, medyo late man ang pag-amin ng dalawa dahil 2 years na pala sila, okay na rin. At least ay hindi naman katulad ng iba na break na bago natin nalaman na naging sila.

Marco, 2014 pa ang last GF!

Happy si Marco Gumabao sa nangyayari ngayon sa career niya kaya wala raw siyang time sa lovelife. Wala raw siyang ka-date sa Valentine’s Day at magte-taping lang siya ng Los Bastardos.

“For the next 3 weeks, araw-araw ka­ming magte-taping,” sambit pa niya nang maka­tsika­han namin sa mediacon ng Apple Of My Eye, digital film nila ni Krystal Reyes from iWant and Dreamscape Digital.

Wala rin daw siyang nililigawan at talagang naka-focus lang siya sa work ngayon.

“Hindi pa kasi siya nasa priority ko talaga, ‘yung talagang magka-girlfriend. Kasi ako, pag nagka-girlfriend, talagang tutok ako, eh,” sey niya.

Last official relationship daw niya ay 2014 pa “pero I dated someone last year pero wala na,” aniya.

ENRIQUE GIL LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with