Liza Soberano at Enrique Gil
Pag-amin nina Liza at Enrique, hindi na bago!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Lumang gimik na ‘yang pag-amin nina Liza Soberano at Enrique Gil na matagal na silang may relasyon. Hindi na tanga ang publiko para kailangan pa nilang isapubliko ang relasyon nila, huh!

Eh, itinaon pa ang pag-amin nila dahil meron silang pelikulang ilalabas, huh! So anong tawag dun?

Talung-talo kasi sila ng loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. History ang ginawa nila bilang loveteam dahil highest grossing movie ang huling movie na pinagsamahan nila.

Mabuti pa ang loveteam nina Nadine Lustre at James Reid. Umamin agad ng kanilang relasyon na walang pinu-promote na TV series o movie and yet, malakas pa rin ang puwersa nila sa takilya at concert!

Kaya naman ang JaDine fans, nagbubunyi sa katatagan ng mga idolo at pina-trend pa sa Twitter ang third anniversary ng mga idolo nitong nakaraang mga araw, huh!

Buhay ng isang magse-senador naudlot ipalabas

Nakalusot pa ang pagsasadrama sa TV ng buhay ni Special Assistant to the President and senatoriable Bong Go sa isang weekly drama. Wala pa kasing campaign period for national position nang ilabas ‘yon.

Nakatakda rin sanang ilabas ang buhay ng isang senatoriable sa isa ring drama series. Pero kinapos na sa oras  at aabutan ng campaign period kaya na-shelve na ito.

Ngayon ang simula ng kampanya ng senatoriables. Puwede rin silang lumabas sa TV pero hindi sa mga entertainment show.

Sana naman, ‘yung mga running for Senate position na hindi taga-showbiz pero hinihingi ang tulong ng entertainment media eh, tulungan naman ang movie industry na hindi na natapos ang problema, huh!

Of course, wishful thinking ‘yan and that remains to be seen!

ENRIQUE GIL LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with