Megan Young
Megan gustong subukan ang rom-com!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Pitong taon na ang relasyon ni Miss World 2013 Megan Young sa Kapuso actor na si Mikael Daez at nag-throwback ang actress-beauty queen via Instagram sa unang pagkakataon na nagkakilala nila ng actor sa isang event.

“Mikael’s sweet gesture of lending me his jacket left a ‘lasting impression’ and now here we are seven years later. The first time we met, we were backstage for an event. He was modeling and I was hosting. I was feeling a bit down and the venue was a bit chilly – which he probably noticed and innocently lent me his jacket. We didn’t really talk much that night but his gesture left a lasting impression! 7 years later, this is how he lends me his jacket,” caption pa ni Megan.

Kelan lang ay nag-attend sa isang wedding ang dalawa at isa si Megan sa nakipag-agawan sa hinagis ng bride na wedding flower bouquet. Pinost ito ni Mikael sa kanyang YouTube channel at nilagyan niya ng sound effects na parang nasa isang basketball game si Megan.

Napanood ito ng maraming netizens at nag-assume sila na baka gusto nang magpakasal ni Megan kaya nag-effort itong masalo ang bouquet.

Pero mabilis na nagpaliwanag si Megan sa video na iyon.

“I think I have the competitive spirit in me in catching the bouquet,” tawa pa ni Megan.

Kailan lang pala ay nag-renew ng kanyang kontrata with GMA-7 si Me­gan at excited na itong magsimula sa bago niyang teleserye. Huli siyang napanood sa The Stepdaughters.

“Gusto kong gumawa ng romantic comedy na teleserye. Never pa kasi akong naka-experience na mag-romcom. It’s always been drama talaga. Kaya sana, wish ko lang, isang nakakatuwa at nakakakilig na romcom ang gawin ko.”

Nagpaalam din daw si Megan dahil sa March and April ay may biyahe sila ni Mikael. March ay nasa isang beach sila at sa April naman daw ay sa Iceland.

Anak ni Melanie pang supermodel din ang galaw

Pang-beauty queen at mana sa kanyang inang former Miss International si Michelle Dee.

Ang ina ni Michelle ay walang iba kundi si Melanie Marquez na bukod sa naging Miss International 1979, naging supermodel din ito sa New York noong ‘80s.

Kaya naman ay hindi rin maawat sa kanyang pagpapakita ng sexy na katawan si Michelle. Kung titingnan ang Instagram account ni Michelle, parati itong nasa beach at panay pose na naka-bikini. Namana ni Michelle ang long legs ni Melanie. Panay rin ang workout ni Michelle. Into boxing and body weights ito para toned ang kanyang katawan.

Pumirma last year sa GMA Artist Center si Michelle Dee na ang ama ay ang dating action star na si Derek Dee.

MEGAN YOUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with