KC dinala ang dyowa sa biniling resort sa Palawan
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Naaliw kami sa pinost na picture ni KC Concepcion kasama ang boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart. Nasa San Vicente, Palawan ang dalawa, pero dahil hindi sanay sa init, nakatakip ang buong mukha ni PEP.

Sabi tuloy ni KC: “When the sun is too hot to handle for the Europeans in the group who are still defrosting from the snow.”

May post din si Pep at sabi: “The #Philippines has some of the best beaches I’ve seen in the world.”

Ibig sabihin, nasa bansa ito at magkakasama sila ni KC sa Valentine’s Day, kaya magiging masaya ang VD ng dalawa.

Alam ng fans ni KC na bumili siya ng property sa Palawan at nabanggit na balak niyang patayuan ng bahay para ‘pag nandun siya, may tutuluyan siyang bahay.

Lovi british producer ang bagong na dyowa!

Ang ganda ng birthday greetings ni Sen. Grace Poe kay Lovi Poe na pinost ni Sen. Grace sa Instagram (IG). Marami ang natuwa sa birthday greetings ng senadora sa kapatid at nakibati na rin sila kay Lovi.

Sabi ni Sen. Grace: “It took almost two decades before I met you. I am grateful to finally know the priceless joy of caring for and loving a sister. Thank you for accepting me. I will always be your proud Ate. Happy birthday, Beautiful @lovipoe.”

Siguradong nabasa na ni Lovi ang birthday greetings sa kanya ng kapatid, kahit wala pa rin siya sa bansa. Nasa Los Angeles, California pa rin si Lovi, matagal pa pala siyang babalik ng bansa dahil nag-enroll ng acting workshop sa LA.

Puwede pang mag-extend ng stay sa LA si Lovi habang wala pa siyang project dito, lalo na at naroon ang rumored BF nitong si Monty Blencowe, isang British executive producer based in LA.

Marami ang curious malaman kung paano nagkakilala sina Lovi at Mr. Blencowe.

Nagpa-couple tattoo pa Marc Abaya at young actress na si Jazz, lumantad na

May bagong couple sa showbiz ngayon at sila ay sina Marc Abaya at Jazz Ocampo at nalaman ang tungkol sa kanila nang sabay silang magpa-tattoo at pareho pa ang tattoo nilang dalawa. Rose ang ipina-tattoo nila, kaya ‘dun palang alam na kung ano ang relasyon nila.

Marami ang nabigla na may relasyon ang dalawa dahil walang nakaalam na may ligawang nangyayari sa kanila. Curious tuloy ang netizens malaman paano nagsimula ang relasyon ng dalawa.

Mas nagulat ang mga nag-akalang si Alessandra de Rossi pa rin ang girlfriend ni Marc at hindi alam na matagal na silang hiwalay. Dahil na rin siguro sa never umamin sina Alex at Marc, hindi masyadong nalaman na naging couple sila.

Alden nag-treat sa sarili!

May bantang pagbo-boycott na naman ang ilang fans kay Alden Richards dahil lang nagkasama sila ni Julie Anne Santos sa isang segment ng Sunday Pinasaya last Sunday. Actually, Sabado pa lang, nang lumabas ang teaser ng show na isang mala-poster at magkasama sina Alden at Julie sa isang segment, nagpahayag na ng boycott ang ilang fans.

Sabi ng ilang AlDub fans, hindi galing sa grupo nila ang mga magbo-boycott kay Alden dahil tanggap nila na kailangang makipagtrabaho sa iba sina Alden at Maine Mendoza.

So, kanino kayang fans ‘yun?

Anyway, natuwa ang fans nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz dahil kahit papaano, nakatulong sa promo ng Kara Mia ang pagpo-post ni Alden ng meme ng nasabing show kung saan mukha niya ang nasa likod ng mukha ni Barbie.

Samantala, mabuti at nagkaroon ng time for himself si Alden. Saka na ang details at kung anong treat sa sarili ang ginawa ni Alden.

KC CONCEPCION PIERRE-EMMANUEL PLASSART
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with