Na sexy starlet feeling misis kung umasta
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Kabit ng actor/politician

‘Yung isang sexy starlet pala na kasama sa isang top-rating TV series ang karelasyon daw ngayon ng isang actor/politician.

Ang nakakaloka sa sexy starlet, ang taray raw!

Dinaig pa ni sexy starlet ang tunay na misis ni actor/politician kung mag-aasta. Feeling daw nito ay siya ang original wife, pero sabi nga ng mga nakakakilala kay actor/politician, mananatili raw KABIT ang babaing ito!

Marami na rin daw kasing nakarelasyong starlet si actor/politician, including a sexy singer/actress na kilala natin, Ateng Salve, pero lahat sila ay nawala sa buhay ni actor/politician at hindi pa rin nito maiwan-iwan ang tunay na misis.

Kaya nga si misis, kapag naririnig daw na sinasabi ng sexy starlet na bagong kakuyangyangan ng kanyang mister ang mga pinagsasasabi nito ay lihim na lang daw itong natatawa.

Teka! Bakit kaya pinagkakaguluhan ng mga starlet na ito si actor/politician? Daks ba si actor politician o sadyang generous ito sa mga starlet na nakakarelasyon niya?

Well…

Annabelle aligaga sa dance number ni Sarah

Akala ko, Ateng Salve, sitting-pretty na lang kahapon si Annabelle Rama dahil sold-out na ang tickets sa Valentine Extravaganza dinner-concert niya mamayang gabi sa Marriott Hotel Grand Ballroom, pero hindi pa pala.

Hindi nga magkandaugaga si Bisaya dahil lahat ng detalye sa dinner-concert na ‘yon ay inaasikaso niya.

Nagulat nga ako nang makita ko si Bisaya kahapon sa dance rehearsal ni Sarah Lahbati na may special dance number sa Valentine Extravaganza.

Nagtse-check siya kung perfect na ba ang special dance number ni Sarah. Gusto kasi ni Bisaya na perfect ang lahat sa event niya kaya naman kailangan daw niyang tumutok doon.

Natuwa nga pala si Bisaya dahil ­il­ang friends niya na taga-Amerika ang tumawag at kino-congratulate siya dahil nalaman nilang sold-out na ang tickets sa Valentine Extravaganza.

Fans nina Janine at Enchong walang humpay ang pagpapa-block screening

Alam mo ba, Ateng Salve na panay  ang pa-block screening ng mga fan ni Janine Gutier­rez para sa pelikulang Elise?

Ngayon nga, may pa-block screening na naman ang mga fan.

Siyempre, happy si Janine, kaya naman kahit busy rin siya ngayon sa pag­hahanda niya para sa bagong primetime series niya sa GMA-7, ang Dragon Lady, a-attend pa rin siya ng mga pa-block screening para sa Elise.

Ang dinig ko, marami rin daw mga fan si Enchong Dee na magpapa-block screening ng Elise.

Wow, sa raming mga pa-block screening ng mga fan para sa Elise, baka sakaling lumaki ang kita ng pelikula.

In fairness to Elise naman kasi, maganda talaga ang pelikula at Graded A pa ng Cinema Evaluation Board, huh!

‘Yun na!

ACTOR POLITICIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with