SAF 44 nakalimutan na?!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 12, 2019 - 12:00am

Hectic na ang schedules ng mga kandidato dahil napapanood na sila sa mga television program.

Ang dami na rin nagkalat na posters, billboards at mga jingle na naririnig sa radyo at TV.

Sana, mapag-usapan din ng mga kandidato ang kaso ng SAF 44 na nagbuwis ng buhay noong January 25, 2015 na bigla kong naalaala.

Ano na nangyari sa mga asawa at anak nila na naiwan? Nakuha kaya ng naulilang pamilya ang compensation na para sa kanila?

Ang Mamasapano Massacre ang isang pangyayari na mahirap kalimutan, ang mga umiiyak na asawa at anak na sumalubong sa mga dumating na bangkay.

Very tragic ang sunud-sunod na kabaong na ibinababa mula sa eroplano at traumatic ‘yon para sa mga naulila nila.

Eleksyon na naman, sana may marinig tayo tungkol sa kaso ng SAF 44. Malaman sana natin na nag-aaral ang mga naiwan na anak ng mga pinatay na sundalo, walang problemang  pinansiyal ang mga nabiyuda na asawa at matulungan din sana ang mga matatandang magulang ng mga nasawi.

How we wish na hindi na maulit ang Mamasapano Massacre, ang maraming buhay na naaksaya at sana, hindi mabale-wala ang  ipinaglaban ng mga namatay.

We pray for your souls , we pray for your family. SAF 44 we will never forget you.

Yasmine, Rossel at Happy swak sa Kamiseta Skin!

Masuwerte sa akin ang Kamiseta Skin ha? Sina Yasmine Vargas, Happy Ongpauco Tiu at Rossel Taberna ang mga endorser ng skin clinic ni Cris Roque.

Hindi lang magaganda ang mga skin nina Yasmine, Happy at Rossel dahil mga achiever din sila.

Dinarayo talaga ang mga restaurant nina Happy at Rossel dahil masasarap talaga ang mga pagkain nila.

Si Yasmine, kahit full-time mom and wife, napaka-efficient siya na asawa ni Alfred Vargas at ina ng kanilang mga anak.

Dapat kasi ‘I believe’ ang endorser ng pro­ducts, hindi lang dahil maganda at popular, dapat makita rin ang credentials at achievements nila bilang private citizen.

Si Happy, tagumpay as chef and manager ng mga Pamana restaurant niya at hotel sa Tagaytay City. Si Rossel ang sikreto kay Ka Tunying is soaring high as a comfort food resto na personal niya na pinamamahalaan.

Ang tatlong babaeng ito ng Kamiseta Skin ang talagang ambassador hindi lamang ng beauty kung hindi ng substance. Hindi lang ng good skin dahil good people rin sila kaya kudos kay Cris Roque for choosing Yasmine, Happy and Rossel as Kamiseta Skin endorsers.

Hindi lang good choice, napakagandang example ng women of power and beauty, tulad din ni Cris, the woman behind Kamiseta Skin. Congrats.

Arjo at Maine dedma sa bashers/haters, nag-date sa New York!

So what naman kung magkasama sa New York City sina Maine Mendoza at Arjo Atayde?

The mere fact na inamin ni Arjo na exclusively da­ting sila ni Maine, isa lang ang ibig sabihin nito, ready na sila na makita sa mga public place o magbiyahe na magkasama sa ibang bansa.

Nakakabilib nga ang tapang ni Arjo dahil hindi siya affected sa mga hater at basher na tutol sa relasyon nila ni Maine. Basta ang mahalaga, masaya sila at nagagawa nila ang mga kanilang mga gusto na gawin. Dedma na sila sa bashers na naloloka na dahil wa effect ang kanilang mga smear campaign na paghiwalayin ang da­lawa.

SAF 44
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with