^

Pang Movies

Kathryn nagpaliwanag sa‘pag-iwas’ kay Daniel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kathryn nagpaliwanag sa�pag-iwas� kay Daniel

Sinagot na ni Kathryn Bernardo ang dahilan kung bakit ini-unfollow siya ng boyfriend at ka-loveteam na si Daniel Padilla sa Instagram.

“Kasi, napindot ko ‘yung “block” no’n accidentally, hindi ko alam pag pala napindot mo ‘yung  “block,” automatic, mag-a-unfollow kayo pero hindi ko talaga ‘yan intention no’n,” pahayag ni Kathryn sa interbyu ng ABS-CBN.

Ang dami rin daw niya na-unfollow na tao nang hindi niya sinasadya. Kaya pagkaklaro niya, walang problema sa pagitan nila ni DJ (Daniel).

“Walang problema, walang issue,” sey pa ni Kathryn.

Mabuti naman at nilinaw agad ito ng young actress dahil ang daming naalarmang fans nang bigla na lang i-unfollow ni Daniel si Kathryn.

Akala nila ay may away ang magkasintahan at nang i-follow na ulit ni Daniel si Kath, may mga netizens namang nag-isip na gumigimik lang ang dalawa.

Matteo gustong ipatikim kay Sarah ang ‘langit’

After biking, gusto namang ipa-experience ni Matteo Guidicelli sa girlfriend na si Sarah Geronimo ang sky diving. Pero ‘yun nga lang, kailangan niya pang i-convince ang GF dahil natatakot pa raw.

“Ayaw niyang mag-sky dive, eh, takot daw siya du’n, eh. But one day, we’ll see,” sabi ni Matteo.

Matatandaang kamakailan lang ay magkasamang nag-biking ang magkasintahan sa Taytay, Rizal at ito ang unang pagkakataon na nakita ng mga tao si Sarah sa isang sports activity na ob­viously, dahil kay Matteo.

Hindi naman natakot si Sarah na mag-bike?

“Hindi naman, small bike lang ‘yung dinadala niya, eh. So, hopefully, in the future, kapag maging comfortable siya, she’ll join also that class I did,” he said.

Nage-enjoy naman daw si Sarah, ayon pa kay Matteo.

“She likes it, eh, she likes the adventure also. But dahan-dahan lang sa kanya,” sey pa ng aktor.

Jo Berry na-master nang maging nanay kahit wala pang anak

Kahit wala pang anak in real life si Jo Berry, napakahusay niyang nagagampanan ang kanyang role bilang Onay na may dalawang anak sa seryeng Onanay.

In fact, ang da­ming nadadala sa kanyang pagganap at ang dami ring naantig sa kwento ng serye lalo ngayong handa na si Onay na isakripisyo ang sarili para lang mailigtas ang nawalay na anak na si Natalie (Kate Valdez).

Si Kate naman ay talagang puring-puri rin naman ng manonood dahil sobrang husay din niya bilang kontrabida.

Hindi na magkamayaw ang fans sa pakiusap na sana ay maayos na ang samahan ng mag-iinang Onay (Jo), Natalie at Maila (Mikee Quintos).

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with