JM naging emosyonal sa mga blessing na natatanggap
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 11, 2019 - 12:00am

Si JM De Guzman ang kumanta ng isa sa mga soundtrack ng bagong pelikula ng LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil na Alone/Together, ang 214 na orihinal na kinanta ng bandang Rivermaya.

Handog ng Black Sheep Productions at Project 8 Corner San Joaquin Projects and distributed by Star Cinema ang nasabing pelikula. Ipapalabas na ito sa February 13, bago ang Araw ng mga Puso.

Samantala, kakatapos lang ng solo concert ni JM na Love Goes On na ginanap noong February 1 sa Music Museum. Doon niya hinarana ang libu-libong fans na sumusuporta sa kanya simula nang siya ay mawala at muling bumalik sa kanyang showbiz career.

Bukod sa katatapos lang na concert, ayon sa singer-actor ay nakatapos na rin siya ng isang album kung saan nakatakda na rin niyang ilabas ngayong taon na iri-release ng One Music PH. Binigyan din daw siya ng kanta ng mag-asawang Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez na mapapakinggan sa nasabing album.

Naging emosyonal si JM sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya ngayon. Hindi niya raw inakalang makakagawa siya ng sunud-sunod na success magmula ng iwan niya ang kanyang bisyo.

Nang matanong naman siya sa isang interview kung sino ang ka-date niya this Valentines, ang sagot niya ay wala. Hula ng marami, nag-usap sila ng rumored girlfriend na si Barbie Imperial na kanyang naging leading lady sa serye nilang Araw Gabi, na hindi na muna sila magiging PDA (Public Display of Affection). Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa pagkatapos ng kanilang serye dahil sa pagkakaroon ng kanya-kanyang katambal, pero ngayon ay masasabing smooth na uli ang kanilang relasyon dahil sa kanilang muling pagkakaunawaan.

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with