Young actress na mahilig tumikim kahit may BF na aktor, inayawan ng karelasyon
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 9, 2019 - 12:00am

Nakakagulat malaman na marami na palang nagdaang lalake sa young actress na ito. Ang alam lang ng publiko ay ang present boyfriend niya, pero may ilan pala itong pinatulan na hindi alam ng marami.

 

Kabilang sa sikretong nakarelasyon ni young actress ay ang sa isang sexy actor na nakasama niya sa isang TV show. Umabot din ng ilang buwan ang kanilang lihim na relasyon at iilang tao lang ang nakakaalam. Mahirap na raw ka­sing ibulgar ang kanilang samahan dahil may boyfriend si young actress noong panahon na iyon. In short, pinendeho niya ang boyfriend niya na mabait at clueless sa mga ginagawa ng kanyang girlfriend.

Nagsimula ang lahat nang aminin ni young actress na crush niya si sexy actor. Tuwing napapanood nga raw niya noon sa TV si sexy actor ay iba ang kilig nito kaya noong mag-artista ito, feeling niya ay magiging sila. Physically attracted siya sa sexy actor pero noong makasama niya sa isang TV show, nabaitan siya rito at mukhang magiging masaya sila kapag naging sila.   

Pero hindi nga nagtagal ang samahan ng dalawa dahil nakaramdam ang boyfriend ni young actress sa kakaibang kilos nito. Kinompronta si young actress ni boyfriend hanggang sa umamin na ito na meron silang sikreto ng sexy actor. Harap-harapan na tinawagan ni boyfriend si sexy actor at tinanong niya kung may nangyayari ba sa kanila ng girlfriend niya?

Pinarinig ni boyfriend ang sagot ni sexy actor kay young actress na wala silang relasyon at nagtitikiman lang daw sila. Hindi raw siya seryoso kay young actress dahil pinagbibigyan lang daw niya ito. Alam daw ni sexy actor kung ilang lalake na ang pinatulan nito kaya hindi niya ito puwedeng seryosohin.

Tila nadurog ang puso ni young actress nang marinig ito mula sa lalakeng handa na niyang ipalit sa kanyang boyfriend. Kaya si boyfriend na ang naki­paghiwalay kay young actress.

Kaya kapag nagkukrus ng landas si young actress at sexy actor, hindi niya ito matingnan dahil sa ginawang pagbubuking nito sa kanyang extra-curricular activities!

Clint ipapareha na kay Jennylyn

Kasama na pala sa cast ng inaabangan na teleserye nila Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion na Love You Two ang real-life boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gary na si Clint Bondad.

Nagkatrabaho na sina Jennylyn at Clint sa comedy anthology na Dear Uge last year at maganda ang naging chemistry nila. May mga fan na nag-request kung puwede ba silang mapagsama sa isang teleserye dahil bagay silang dalawa.

Ngayong February ang homecoming ng Miss Universe girlfriend ni Clint, pero mukhang hindi ito umaasa na magkakaroon ng oras sa kanya si Catriona dahil sa sunud-sunod na mga gagawin nito. Tatlong araw lang si Catriona sa Pilipinas at kailangan nitong bumalik ng New York para sa iba’t ibang commitments.

Hanggang sa social media lang daw ang pag-uusap nila Clint at Catriona na minsan ay ilang araw bago makasagot si Catriona dahil sa rami ng ginagawa nito.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with