Kanta ni Echo ginagamit na sa Halik
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 8, 2019 - 12:00am

Marami palang similarities ang dalawang bidang lalaki sa Halik na sina Jericho Rosales aka Catalino “Lino” Bartolome at Sam Milby na Ace Corpuz. Hindi lang pareho ng taste ng kanilang mga asawa sa palabas na sina Yam Concepcion bilang Jade Flores at Yen Santos na Jacqueline “Jacky” Montefalco-Corpuz.  

Mahilig din sa big bike sina Echo at Sam na nagsisilbing laruan ng dalawang aktor na paborito nilang gamitin sa kani-kanilang road trips at sports. Ibinuko ni Sam na hiniram ni Jericho ang kanyang big bike na nagbiro ang una na ninakaw ni Lino ang kanyang big toy.

Kapwa in love rin ang dalawa pagdating sa surfing kahit bihira silang magkuwento sa kanilang mga Instagram account ng mga lugar na pinupuntahan nila.

Malamang na ayaw lang i-exposed ng mga aktor ang mga lugar na pinupuntahan nila. Baka nga naman dumami ang magpunta doon at sa kalaunan ay maging polluted na.

Kung mag-post man sila ay hindi nila sinasabi ang mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Bukod sa mahuhusay na pag-arte ay kapwa hook din ang dalawa pagdating sa gitara, pagkanta, at musika. Ginagamit na ang single ni Echo na may title na Hardin sa series na Halik kaya himutok din ang maka-team Ace fans na dapat ay gamitin din ang mga kanta ni Sam sa kanilang palabas na hanggang ngayon ay nanatiling mataas ang rating sa Kapamilya network na malapit nang tapusin.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with