^

Pang Movies

Atom pinarangalan ng UNHCR

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Atom pinarangalan ng UNHCR
Atom Araullo

Ginawaran ang Kapuso broadcast journalist na si Atom Araullo ng title na National Goodwill Ambassador ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).

Ang representative sa bansa, si Shinji Kubo, ang naggawad ng title kay Atom nu’ng Martes na high profile supporter ng organisasyon mula 2017.

Sa unang documentary ng broadcast journalist sa I-Witness ng GMA, ang buhay ng Rohingya ng Myanmar ang ipinakita niya. Last year, pumunta siya sa Jordan upang madagdagan ang kaalaman sa Syrian refugee crisis pati na sa operasyon ng UNHCR para magbigay ng tulong at proteksyon sa pamilyang nasa Jordan.

Ang isa pang Kapuso artist na suportado ang pagtulong sa refugees ay si Ashley Ortega. Sa post sa Instagram matapos saluduhan ang appointment ni Atom, nanawagan si Ash na tulungan ang refugees.

Supportive na, sweet BF pa…

Supportive na, very sweet pang boyfriend si Matteo Guidicelli.

Sa kanyang Instagram post, ipinarating ni Matt ang pagiging proud niya sa girlfriend na si Sarah Geronimo matapos mag-perform sa Papal visit sa Abu Dhabi last Tuesday.

Nag-perform si Sarah sa Zayed Sports City sa Abu Dhabi at sa tweet ng isang netizen @Cres0100, ayaw raw niyang tanggapin ang bayad base sa isang kaibigan na bahagi ng team para sa Papal Visit sa UAE.

Walang kumpirmasyon tungkol dito pero sinabihan ang Pop Star Royalty na kailangan sundin niya kung ano ang stipulations sa kontrata.

Naku, sa gestures ni Matteo, panalung-panalo na talaga siya sa puso ni Sarah, huh!

vuukle comment

ATOM ARAULLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with