^
Camille magkaka-baby boy uli!

Camille magkaka-baby boy uli!

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 3, 2019 - 12:00am

Former child actress Camille Prats is pregnant now with her second baby with second husband, John Yambao.

 

With her first husband, the late Anthony Linsangan, Camille has a son, Nathan, now almost a teenager na.

Her first child with John, now nearing two years old, is a girl, whom they named Nala.

Ayon kay Camille, recently lang daw niya nalaman na lalaki ang kanyang kasalukuyang ipinagbubuntis, na labis naman na ipinagbunyi ng kanyang mister at ng anak niyang si Nathan.

May nauna na ring anak si John sa kanyang previous partner at lalaki rin daw ito.

Of Camille and VJ, ang ganda ng kuwento ng kanilang pag-iibigan. Parehong taga-Cainta, Rizal at magkaklase pala sila during the elementary grades. Nawalan sila ng komunikasyon nang mag-artista si Camille.

Nang bumalik si John mula America ay saka sila muling nagkita, by then ay isa nang widow si Camille.

Bukod sa pag-aartista, head din si Camille ng isang pre-school na pinundar ng kanyang ama.

To make the story short, the renewed friendship between Camille and VJ turned into a romance.

They were married in 2017.

Halik babu na!

From Yen Santos, we learned na one month na lang ang itatagal sa himpapawid ng top rating and controversial series na Halik.

Isa si Yen sa bida ng nasabing series, kasama niya rin dito sina Jericho Rosales, Sam Milby, Yam Concepcion, plus of course, Daniel Matsunaga, Bianca King, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva at Almira Muhlach.

Agaw pansin ang bagong love team nina Gab Lagman at Jane de Leon, ganundin ang roles na ginagampanan nina Christian Bables at Hero Angeles.

The series, no doubt, established Yen, lalo na sina Yam at Sam as an actors to reckon with. In no time, they will be entrusted roles na lalong magbibigay ningning sa kanilang talent as performers.

Hindi pa tiyak ng tatlo kung anong projects in store for them after Halik. In the case of Jericho, he might do raw a movie with Arci Muñoz.

Gary naimpluwensiyahan si Billy!

Matindi raw ang influences ni Gary Valenciano sa pagi­ging good dancer ngayon  ni Billy Crawford.

Billy recalled sa presscon ng World of Dance Philippines kung saan co-juror niya sina Gary V. and Maja Salvador.

Nearly five years old pa lamang daw siya noon, but already performing in the late Kuya Germs (German Moreno) nearly midnight show, Master Showman, nang mapanood niya si Gary V. na sumasayaw onstage sa Music Museum.

Billy is now 36 years old. Si Gary V. ay 54.

“Sobra ang impact na nilikha sa akin ng performance ni Kuya Gary. Right that moment, I told myself I will be like him,” ani Billy.

He was among those who panicked when Gary, four months back, had to be hospitalized and had to submit to surgery. Like the rest of those close to Gary, he and wife, Coleen Garcia, prayed na malagpasan ni Gary ang pagsubok na dumating sa kanya.

As a co-juror of World of Dance Philippines, Billy said he cannot say enough of Gary V. He considers him a tremendous influencer, yes, in all aspects as an entertainer. And as a person, too.

Gary is kind, generous and easy to approach, Billy added.

“Sa totoo lang, you would wish that all influential performers are like him.

“I want to be like him someday,” susog pa ni Billy.

World of Dance Philippines, considered the highest rating show aired sa timeslot nito (Saturday and Sunday, 7:30 p.m.) is hosted by Luis Manzano and former Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

CAMILLE PRATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with