^

Pang Movies

Dating in demand na model/actor, laruan ngayon ng ex-government official

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na boytoy na raw ng isang dating may posisyon sa gobyerno ang model-turned-actor na ito?

 

Ayaw itsika ng source namin kung lalake o babae ba ang dating nagtatrabaho sa gobyerno, pero super tsika niya na ilang beses na niyang nahuhuli na magkasama ang dalawa sa mga lugar na tago sa maraming tao.

Nagtaka nga raw noong una ang source namin kung ano ang ginagawa ng model-turned-actor sa isang maliit na café na hindi puntahan masyado ng mga tao. Sa labas daw ng café nakaupo ito at naka-shades at bull cap ito. Pero mabilis siyang nakilala ng source namin.

“Noong marinig ko na magsalita siya sa kausap niya sa phone, nakumpirma ko na siya iyon. Kasi siya lang ang may gano’ng boses. Ilang minuto lang biglang dumating ang isang SUV at sumakay siya agad-agad, pero na-sight ko kung sino ang bineso niya sa loob. Kaya confirmed ang matagal nang chismis sa kanila,” diin pa ng source namin.

Natataon naman na kung nasaan ang source namin ay nandoon din daw ang dalawa.

“Kasi sa isang restaurant sa kaloob-looban ng Pasig City, nandoon sila. Sa isang coffee shop sa isang mall sa labas ng Metro Manila, nandoon din sila. Hindi ko alam kung ako ba ang stalker o sila ang nagsu-stalk sa akin?” sabay tawa pa ng source namin.

Anyway, kitang-kita raw niya na panay ang hawak sa maskuladong braso ng model-actor ang ex-government employee. Hindi naman pumapalag si model-actor at mukhang okey lang sa kanya.  

Dahil siguro sa kawalan ng maraming projects kaya walang choice si model-actor kundi pumatol na sa kasama niya na noon pa siya pinagnanasaan. Ito nga raw ang natsismis na nag-downpayment sa magarang bahay ngayon ni model-actor.

Hindi na nga in-demand si model-actor dahil mas marami nang mas fresh na dumarating na artista ngayon at nagkakaedad na nga siya. Sa pagkakaalam namin ay may girlfriend ang model-actor na hindi taga-showbiz. Pero dahil siguro may pagka-high maintenance ang girlfriend nito at may mine-maintain siyang nakasanayan na lifestyle, pinili ni model-actor ang pinakamadaling paraan para magkaroon ng datung.

Isang Pinoy, bibida sa Hamilton

Nakakatuwang na­laman na isang may dugong Pinoy ang nagbibida ngayon sa hit Broadway musical na Hamilton.

Ang Broadway actor na si Marc dela Cruz ang kauna-unahang Filipino-American na gumanap bilang Alexander Hamilton sa musical na Hamilton at nagsimula siya noong nakaraang January 19, 2019.

Ang American-Puerto Rican actor-singer-composer na si Manuel Lin-Miranda ang unang nagbida sa Hamilton na siya rin ang nagsulat ng istorya at music.

Nakasama sa cast ng Hamilton si Marc noong November 2018 kasabay ay ilang Fil-Am actors na sina Karla Puno Garcia and Christina Glur.

Hindi nga makapaniwala si Marc, na anak ng isang Filipino U.S. Army man, sa pambihirang pagkakataon na binigay sa kanyang theater career.

vuukle comment

MARC DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with