^

Pang Movies

Arjo matindi ang tama kay Maine!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Arjo matindi ang tama kay Maine!

Nakausap namin si Sylvia Sanchez tungkol sa kanyang anak na si Arjo Atayde na mukhang nadadalas na ang pakikipagsagutan sa fans ng AlDub sa kadahilanang ayaw sa kanya at si Alden Richards lamang ang kanilang gusto para sa idol nilang si Maine Mendoza.

 

Sabi ni Sylvia kay Arjo, huwag siyang papatol sa bashers, huwag makipag away, ang tanging ipakita ay ang pagiging gentleman. Pinasok mo ‘yan, ipaglaban mo, aniya.

Walang kasalanan si Alden sa mga nangyayari. Feel daw ni Sylvia na matindi ang tama ni Arjo kay Maine.

Ganunpaman, suportado niya ang anak at kahit sino sa anak niya pagdating sa pag-ibig, nasa likod silang mag-asawa basta nag-a-advice lang na kung ano ang maganda sa kanilang lovelife.

The Boobay And Super Tekla Show bongga ang pagpapatawa

Napanood namin ang telecast ng bagong comedy show na The Boobay And Super Tekla Show sa GMA-7 last Sunday night at ang masasabi ko lang ay congrats! Grabe talagang comedy, swak na swak sa putahe! Kung baga sa ulam kumpleto rekados.

Napakasaya. Kantahan, sayawan at grabe yung kanilang Barangay show sa Tondo. Magaling pareho sina Boobay at Super Tekla. Talagang tatawa ka ng hindi pilit. Walang atrasan ‘to dahil mapapanood ito every Sunday sa Kapuso Network.

Enzo Almario ng TNT lalaki ang dini-date

Ang dating totoy na member ng grupong Sugar Pop na si Enzo Almario ay lalong naging pogi ngayon. Binata na siya.

Mula nang sumali siya sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime ng Kapamilya network hosted by Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Amy Perez, Ryan Bang and Jhong Hilario, ay dumami na ang raket niya.

Kasikatan ng Sugar Pop noong bata pa siya at kasama niya rito si Rita Daniela na napakagaling na artista na ngayon at napapanood sa seryeng My Special Tatay . Nagtapos ng college si Enzo, kaya for a while nawala siya sa limelight at inamin niya sa amin na lalaki ang nagpapatibok sa kanyang puso.

K lang! Walang masama! Sa ngayon marami na siyang oras para muling sumabak sa mundo ng showbiz, mapa-music, TV, or movie ay always ready siya.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with