Jolina humiwalay ng dressing room kina Melai at Karla!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - February 1, 2019 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, nasa live telecast ako kahapon ng Magandang Buhay dahil sinamahan ko si Lani Misalucha para sa promo niya ng Timeless Classics, ang Valentine concert nila ni Martin Nievera sa PICC.

 

Nang makaalis na si Lani ay dumaan ako sa dressing room ng tatlong hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Pero separate dressing room na pala si Jolina.

Biniro ko si Melai.

“May gap ba sa inyo si Jolina, kaya hiwalay siya ng dressing room sa inyo ni Karla?” birong tanong ko kay Melai.

“Hindi, Sir Jun. Hiwalay siya sa amin dahil isinasama niya ang bunso niya. Nagpapa-breastfeed kasi si Jolina,” sagot naman ni Melai.

Si Melai naman daw ay hindi na isinasama sa studio ang dalawang anak na babae dahil mas prone raw na magkasakit ang mga ito kapag palagi niyang isasama.

Sa bahay na lang daw ang mga ito habang nagwo-work siya.

Si Karla nga pala ay nakatsikahan ko about her movie Familia Blandina at happy siya sa magandang feedback sa trailer ng kanilang pelikula.

AiAi naluluha pag naalala si Rico J.

Naluha si AiAi delas Alas nang mapag-usapan si Rico J. Puno sa presscon ng post Valentine concert nila nina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison.

Nanghingi pa nga si AiAi ng tissue sa producer nila na si Anna Puno para punasan ang kanyang luha.

Sobrang lapit kasi ni AiAi kay Rico, kaya affected pa rin siya na yumao na ang tinaguriang The Total Performer!

Dapat nga ay kasama nila sa Hitmakers & Ai concert si Rico sa Resorts World Manila on Feb­ruary 15, pero yumao na nga ito.

Sabi naman ni Hajji, sobrang dami na nilang nailuha dahil sa pagpanaw ni Rico.

Nagbiro nga pala si Hajji na ang noon ay pala­ging late na si Rico ay “the late” na raw talaga ngayon.

Naikuwento rin nila na dapat talaga ay surprise ang gagawin nilang surprise for Rico, pero nabuking na nga ‘yon.

Wala nga pala si Rey sa presscon kahapon ng Hitmakers & Ai dahil may It’s Showtime ito.

First time nga palang makakasama ni AiAi na mag-show sina Hajji at Rey.

Ogie mas pinili si Michael V. kesa kina Regine at Nate!

May bagong commercial sina Ogie Alcasid at Michael V.

Isang fastfood chain ang ine-endorse ng magkaibigan.

May mga nagbibiro nga kay Ogie na mas pinili niya si Michael kesa sa misis na si Regine Velasquez-Alcasid at anak na si Nate.

Sina Regine at Nate kasi ay ibang fastfood chain ang ine-endorse.

Anyway, sa presscon nila ni Mariel de Leon kahapon para sa Valentine concert nila sa Resorts World Manila, ang Master of Love, sa February 15, sinabi ng singer-songwriter na masaya siya na makakasama niya sa concert na ‘yon ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Magaling daw talagang kumanta si Mariel.

Kagabi nga pala after ng rehearsal niya para sa Master of Love ay umalis na si Ogie pa-Baguio City para sa isang event doon.

JOLINA MAGDANGAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with