Showbiz personality nagpaliit pa ng mukha matapos magpapayat
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - February 1, 2019 - 12:00am

Parang tumanda ang showbiz personality na pumayat.

 

Hindi healthy looking ang naging epekto nito sa kanya.

Oo nga at ang ganda niyang magdala ng damit lalo na ang dress, pero hindi maganda ang hitsura ng face niya.

Or siguro kung pumayat man siya in a healthy way, ‘wag nang paayos pa ang mukha para mas lumiit pa.

Hindi na pretty ang hitsura.

Tatlong pinoy films hindi kagandahan ang kita

Malungkot din ang naging kapalaran ng tatlong pelikulang nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules.

Pero sa tatlo, ang biopic daw ni former General Bato dela Rosa ang maigi-igi ang naging resulta although hindi raw ito ang inasahan nila.

Ang dalawa pang pinalabas ay ang ‘Tol at Ang Sekreto ng Piso. Sadly, hindi rin gaanong tinangkilik ng manonood.

Nakaka-sad ang kapalaran ng Tagalog films lately. So far sa mga napalabas since the beginning of the year, wala pang maituturing na box office.

Well, sana nga ay gumastos na sa susunod na linggo ang mga manonood ng sine para naman maging masaya ang movie industry.  

Celebs, inilahad ang paboritong pagkain sa bagong cookbook

Kilala si Nadia Montenegro sa masasarap na lutuin na madalas niyang ipinapatikim sa kanyang co-stars. Sa unang pagkakataon, naipagsama-sama niya ang ilan sa kanyang minanang recipe at iba pang paborito sa bagong cookbook na may titulong  Have I Cooked For You?

 “Nagsisilbing reminder ang recipes na ito ng masasayang usapan, aral, katatawanan, at pagmamahal na meron kami sa aming hapag kainan,” kwento ng aktres na sinimulan ang kanyang cooking vlog na Cucina ni Nadia sa Youtube noong nakaraang taon.

Excited na nga ang professional cook at caterer sa kanyang passion project mula sa ABS-CBN Books kung saan ibinigay niya ang 50 recipes na mula sa puso na hinati-hati sa tatlong bahagi—para sa pamilya, mga kaibigan, at sa malalaking grupo.

Tampok sa kanyang family favorites ang Potche­ro na paborito ng Playhouse actor na si Carlo Aquino, at ang Beef Steak A la Nadia na nagustuhan naman ni Robin Padilla.

Kabilang naman sa recipes na para sa kanyang mga kaibigan ang Callos na paborito ng Magandang Buhay momshie na si Karla Estrada; ang Cream Cheese Marinara with Homemade Pesto, isang masarap na lutuin ayon kay JC de Vera; at ang Binagoongang Baboy sa Gata na isa lamang sa mga lutuin na handog niya sa matalik na kaibigan na si Arlene Muhlach.

BATO DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with