Dingdong ini-endorse ang ‘flower’ ni Marian!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 31, 2019 - 12:00am

Nabawasan ang sakit ng ulo ni Dingdong Dantes sa Valentine gift na ibibigay sa asawang si Marian Rivera. Siyempre, loaded na si Yan sa materyal na bagay kaya nakaisip si Dong ng ibang regalo.

Sa kanyang Instagram, kinunek ni Dingdong sa flower business ng asawa ang naisip na regalo at ‘yon ay ang pagiging modelo para sa February offering ng FloraVida, ang The One.

Take note, may pictorial talaga ang GMA Primetime King ng pag-eendorso niya ng flower ni Marian na pinost ng aktor sa kanyang Instagram. Suot niya ang white suite at hawak ang isang kulay pula na rosas.

Bahagi ng caption ng isa sa bida sa Kapuso series na Cain at Abel, “...I guess nothing beats the labor or love of agreeing to model for “The One – Flora Vida’s Valentine offering this season. I am so proud of how much love and dedication she has put into sharing so much positivity using her humble creations.”

Bulalas ni Marian sa gesture ng asawa, “I love you!!!”

Of course, bukod sa pagiging modelo ng negosyo ni Yan, advance V-day gift na rin ni Dingdong ang pagkakaroon nila ng baby boy ng asawa, huh!

Kylie mas gusto pa rin ang ‘pandesal’ ni Aljur

Walang binatbat kay Kylie Padilla ang abs nina Ruru Madrid at David Licauco sa pandesal ng asawa niyang si Aljur Abrenica. Sa TV plug ng comeback series ni Kylie na TODA One I Love, may eksenang nagpayabangan ng abs ang dalawa sa harap niya.

Sa presscon ng series, tinanong namin kay Kylie kung kaninong abs ang mas bongga nang harap-harapan – Aljur, Ruru o David.

“May ganoon? Ha! Ha! Ha! Okey naman kayo, guys pero asawa ko pa rin! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Kylie.

Na-amaze ba siya nang makita ang nagtatambukang pandesal ng kaperaha?

“Si Gelay (her character) dahil crush niya, pero ako, asawa pa rin!” diin niya.

DINGDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with