Lipstick ni Kris, bumebenta na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 31, 2019 - 12:00am

Dapat na subukan ng fans ang mga produkto na ibinebenta ng mga artista tulad ng lipstick business ni Kris Bernal na may sarili nang make up line.

Number one user ng make up ang mga artista kaya sila ang nakakaalam kung ano ang maganda para sa mukha at sa balat.

To be fair, may flair for fashion si Kris, eversince. Maganda ang taste niya sa pananamit kaya hindi nakapagtataka na bongga rin ang kanyang taste sa make up.

Nabalitaan ko na mabenta ang mga lipstick na inilabas ni Kris na may brand na She. Marami ang nagsasabi na high quality ang She lipsticks dahil gawa ito sa Korea.

Matagal nang pangarap ni Kris Bernal na pumasok sa make up line kaya good na successful ang first venture niya na siguradong madaragdagan later on. Go go Kris, next time powder naman ha? Congrats!

Happy anniversary!

Happy wedding anniversary kina Vic Sotto at Pauleen Luna, MJ Marfori at Oscar Oida.

Ipinagdiwang kahapon ng Sotto couple at Oida couple ang kanilang mga wedding anniversary .

Tandang-tanda ko pa na magkasunod ang oras ng mga kasal nina MJ at Oscar sa San Agustin Church samantalang ginanap naman sa isang simbahan sa Alabang ang very intimate na  pag-iisang dibdib nina Bossing at Pauleen noong January 30, 2016.

Kumpleto na ang happiness ng Sotto couple dahil biniyayaan sila ng isang cute baby girl kaya wish ko na magkaroon na rin ng anak sina MJ at Oscar.

Marco sobrang payat na!

Honored and flattered si Marco Gu­mabao dahil leading man siya muli ni Anne Curtis sa coming soon movie na Just A Stranger.

Hindi makapaniwala si Marco sa big project na ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films at siya ang nahiya nang sabihin ng direktor na si Jason Paul Laxamana na siya ang next important leading man ng home studio niya.

Hindi talaga nagkamali si Marco ng desisyon na mag-ober da bakod sa Viva Artists Agency dahil nagkasunod-sunod ang mga movie project niya.

Nag-promise si Marco kay Anne na magpapataba siya para sa kanilang project dahil marami ang pumupuna na sobrang payat na niya. Kapag walang taping si Marco, nagbababad siya sa gym dahil knows niya ang pagkakaroon ng magandang katawan ang isa sa mga puhunan ng mga artista.

Kasama rin sa cast ng Just A Stranger si Edu Manzano pero secret pa ang participation niya sa pelikula.

Matagal nang nagpahinga si Edu sa paggawa ng pelikula pero hindi niya matanggihan ang tempting offer dahil challenging ang role.

Excited na si Anne Curtis na makapareha sa pelikula si Edu dahil dati-rati, si Luis Manzano ang kanyang co-star sa past Viva Films movies.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with