^

Pang Movies

Pagkapanalo ni Karen sa Miss Intercontinental pinagbibintangang may ‘lutuan!’!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pagkapanalo ni Karen sa Miss Intercontinental pinagbibintangang may �lutuan!�!
Karen Gallman

For the love of Gorgy Rula, congratulations kay Karen Gallman ng Pilipinas dahil siya ang tinanghal na Miss Intercontinental 2018 sa beauty pageant na naganap noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Birthday ni Gorgy noong January 26 at dahil siya ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga miyembro ng press na nag-cover ng coronation night ng Miss Intercontinental 2018, dedma muna ang birthday ce-lebration niya.

Parang birthday gift na rin kay Gorgy na nanalo ang Pilipinas, for the very first time sa Miss Intercontinental.

May mga nang-iintriga na cooking show ang nangyari dahil ang Pilipinas ang host country at isang Pinay ang nanalo pero may karapatan na mag-win si Karen.

Mga foreigner ang invited judges sa Miss Intercontinental at dalawa lang ang mga Pinoy, ang isa ay si former PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa. Imposible naman na naimpluwensyahan ni Papa Bato ang mga hurado gaya ng Hollywood actor na si Lorenzo Lamas.

Wala nang magagawa ang mga nagrereklamo dahil naiputong na sa ulo ni Karen ang korona ng Miss Intercontinental 2018 at sa true lang, siya ang nagbigay ng pinakamaganda na sagot sa question and answer segment ng beauty pageant.

Ilang mga kandidata sa Miss Intercontinental kinopya si Catriona!

Eksenadora ang ilang mga kandidata ng Miss Intercontinental 2018 dahil ginamit nila na inspirasyon si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kinopya ng ibang mga contestant ang gown, paglalakad at pose ni Catriona nang sumali ito noong December sa Miss Universe at winner ang impersonation nila dahil tumanggap sila ng masigabong palakpakan.

Pero siyempre, angat sa iba ang kandidata ng Vietnam na fourth runner up sa Miss Intercontinental dahil literal na ginaya niya ang kulay at design ng gown ni Catriona.

Young Vilma Santos ang tawag ng mga Pinoy kay Miss Vietnam dahil kalokalike siya ng Star for All Seasons noong kabataan nito.

Billy sinagip sI Miss Guatemala sa pagkapahiya

Magaling na host si Billy Crawford dahil to the rescue ito nang magkamali ang kandidata ng Miss Intercontinental na nag-akala na siya ang winner ng isang special award.

Hindi kasi maintindihan ang announcement ng female co-host ni Billy kaya ang dinig ni Miss Guatemala, ito ang nag-win ng special award.

Nagkaroon ng awkward moment pero mabilis na binawi ni Billy ang mistake. Sinabi niya agad na si Miss Myanmar at hindi si Miss Guatemala ang nanalo.

I’m sure, nakaramdam ng hiya ang representative ng Guatemala pero hindi naman nito kasalanan dahil masyadong slang ang pagkakabigkas ng female co-host sa pangalan ng bansa. Hindi ako sure kung na-edit sa telecast kahapon ng Miss Intercontinental ang embarrassing incident para sa kandidata ng Guatemala.

Marian maganda pa rin kahit lalaki ang ipinagbubuntis!

Baby boy ang ipinagbubuntis ni Marian Rivera pero sinira nito ang matandang kasabihan na nagbabago ang itsura ng mga babae kapag lalake ang sanggol na nasa sinapupunan nila.

Ang ganda-ganda kahapon ni Marian sa Sunday PinaSaya Awards kaya iisipin mo na baby girl ang magiging bunso nila ni Dingdong Dantes.

Malaki na ang tiyan ni Marian at ang feeling ko, mas malaki ang ipinagbubuntis niya ngayon kesa nang magbuntis siya noon kay Zia na fake news ang pagiging kimi at mahiyain dahil bibang-biba ang bagets.

vuukle comment

KAREN GALLMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with