^

Pang Movies

Sylvia at Arjo hindi nakalusot sa mga basher!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sylvia at Arjo hindi nakalusot sa mga basher!

Handa na si Sylvia Sanchez na harapin ang bashers ni Arjo Atayde dahil sa closeness nila ni Maine Mendoza matapos umamin ang aktor na exclusively dating na silang dalawa.

Ang mahirap sa gagawin ni Sylvia, madalas na naka-private ang account ng bashers at mahirap ma-trace ang kanilang tunay na katauhan. Of course, panlaban nila ang Anti-Cyber Crime Law lalo na kung libellous ang bashing nila sa social media.

Si AiAi de las Alas nga, niresbakan din niya ang bashers niya nu’ng makarelasyon ang asawa niya ngayong si Gerald Sibayan. Nagpatulong din siya sa NBI pero hanggang sa ngayon eh wala pa kaming balita kung may kaso na siyang naisampa.

Para sa amin, huwag na lang pansinin ang social meda trolls na ito ng mag-inang Sylvia at Anjo.  Puwede kasi silang gumamit ng iba’t bang accounts para makapam-bash.

Paano masasampahan ng kaso ang mga troll kung ang totoong identity nila eh hindi alam? Bumuwelta man sila through socmed, lulutang at lulutang ang ibang posers ng basher hanggang sa tuluyan na rin silang magsawa sa ginagawa!

May choice sina Sylvia at Arjo – lumaban o tumahimik. Buti sana kung wala silang trabaho pero hindi ‘yon ang sitwasyon nila ngayon. Kung ano ang priority nila eh ‘yun ang dapat nilang gawin, huh!

Mariel inggit sa hubog ni Sarah!

Inggit si Mariel Padilla kay Sarah Lahbati sa picture na pinost ng huli sa kanyang Instagram. Dalawa na ang anak ni Sarah pero katakam-takam pa rin ang hatid niyang alindog.

Komento ni Mariel, “You are a mother of 2????How can that be fair???? Hehe.”

Nasa Palawan ngayon si Sarah kasama ang partner niyang si Richard Gutierrez at anak na sina Zion at Kai. Ang pic na pinost niya sa IG ay kuha ni Chard.

Sa Club Paradise sa Palawan nagpalipas ng kaarawan si Richard at layunin niya sa birthday this year ay, “Rest, recover and reflect.” Para kay Sarah, paraiso ang laging kasama si Richard pati na dalawang anak.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with