^

Pang Movies

Alden mas gusto munang magpayaman!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Alden mas gusto munang magpayaman!

Very sweet daw ang eye to eye nina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Makalaglag salawal. ‘Di ba balitang si Maine ang apple of the eye ni Arjo. Nagsimula lang ito sa pelikulang Jack Em Popoy pero may nag-syete sa amin na matagal ng napupusuan ni Arjo si Maine. Ibig sabihin ay crush niya ang dalagang Bulakenya. E, ano naman ang masama doon!

 Zero balance sa pag-ibig ang poging Atayde, galit ang mga bashers sa binata, dahil para sa kanila si Maine ay taken na ni Alden Richard. E, kaso mukhang hindi naman serious ang Golden City Boy ng Sta. Rosa dahil mas abala siya sa kanyang career sa TV, sa maraming endorsment ng iba’t ibang products, at ng pagtatayo ng mga negosyong restaurant, like Concha’s in Tagaytay na mayroon na ring branch sa Timog sa QC. At soon to open pa ang isang resto or branch ng isang sikat na pagkain na iniindorso nila ni Maine, ito ay matatagpuan sa Binan Laguña.

In other words, tipong gusto muna ni Alden na magpayaman. Sabagay, si Maine ay may mga investment din sa Bulacan like gasoline station na parents niya ang nagma-manage. Sa totoo lang daw ay talagang may kaya ang pamilya ng dalaga at kung sakaling dumating yung time na magkatuluyan sila ni Alden meant to each other sila, at kung sina Maine at Arjo naman ang magkatuluyan, yan ang tinatawag na destiny. Nang tanungin namin si Sylvia Sanchez tungkol sa anak na si Arjo about Maine, smile lang siya sabay sabing hindi daw siya pakialamera sa lovelife ng mga anak, lalo si Arjo basta masaya at di magulo ang buhay tulad daw nila bilang parents ni Arjo.

Kabuhayan sa mga jobless sa sta. Rosa…

Ibinigay na ni Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez ang go signal by signing the contract between his country and Korea the other day, naganap ito mismo sa Mayor’s Office in Sta. Rosa City Hall with the 10 respective Korean representatives.

This time ay mayroon nang interpreter na isang beautiful lady na Sky ang pangalan. Grabe ang girl na ito. Bata, matalino, Masscom graduate at magaling sa wikang Koreano at tubong Parañaque.

Well-satisfied ang mga taga-Korean at Sta. Rosa. Napaka-handsome ni Mayor Dan, ask ng isang Korean ang edad at kung married, tango ako.

With PESO Head Ma’am Perla at Sir Jowell Batitis sa Agricultural side, naipaliwanag lahat ang progressive town ng Sta. Rosa City with Mayor Dan at ng buong Konseho ng syudad with Congresswoman Arlene Arcillas. Ma­ngangalap po ng jobless kabayan na magti-training in Korea about farming and fishing for 3-months with salary at napakarami pang napag-usapan. ‘Yun lang! Another target is Bacoor City mayor Lani Mercado Revilla soon! Dalawa po kasi ang aking nai-suggest na pagkakalapan ng mga jobless kabayan, ang Bacoor, Cavite at dito sa Sta. Rosa, Laguna.

Samut-sari…

Like father like daughter, bow ako kay Senator Grace Poe sa batas na isinulong niya sa mga batang kulang sa pagkain kaya nagkakasakit, payat, kulang sa timbang at matamlay.

Syempre kapag gutom ka, hindi ka masaya. Talagang minana ni Senator Grace Poe ang ugali na mapagpakumbaba ng kanyang amang Fernando Poe, Jr. na hindi maramot at pusong mamon sa mga mahihirap. Batid ko ang mga bata ang magiging angel mo sa nalalapit na election 2019 at leader ng mga bata ang mahal na Sto. Niño.  Mabuhay ka Senator Grace Poe!

vuukle comment

ALDEN RICHARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with