^

Pang Movies

Paintings ni Heart bidang-bida sa US mag

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pasabog ang birthday gift ng Harper’s Bazaar US edition kay Heart Evangelista. Aba, sa February issue ng mag, tampok sa dalawang pahina ang ilang paintings niya, huh!

Birthday ngayong February ni Heart eh sa post niya sa Instagram, tila wala siyang kaalam-alam na ilalabas ‘yon sa US mag.

“I almost screamed in excitement when I saw this full-spread page on my painting on the latest issue of @harpersbazaarus. Their February issue featuring @jlo on the cover features my “Follow Your Heart artwork. What a way to welcome my birthday month,” caption ni Heart.

Komento naman ng friend at painter ding si Solenn Heussaff, “You go woman!!!! I’m proud of you and so happy. You deserve everything thats happening right now! When the heart is kind and since, miracles happen.”

Kasalukuyan pa ring nasa China si Mrs. Chiz Escudero for a special project.

Pagbalik niya sa bansa, ang pagiging judge sa Starstruck ang magiging trabaho niya at pagtulong sa kampanya ni Sen. Chiz sa pagtakbo nito bilang governor ng Sorsogon.

Produ nadismaya sa ginastusang pelikula

Dismayado raw ang isang producer sa finished product ng kinuhang director sa isang movie. Eh matagal na siyang producer at ilang magagaling na directors na ang nakatrabaho niya kaya alam nito kung maganda o pangit na pelikula.

Siyempre tikom ang bibig ng produ sa kalidad ng movie. Humiling na lang siya sa kaibigang press na i-push ang movie. Kilala naman ang artista sa pelikula pero walang track record sa box-office ang director na kumita ang nakaraang movies na ginawa.

Sa mahal ng bayad sa sinehan ngayon, dapat lang na maganda ang pelikulang ihahain sa publiko ngayon, huh!

Ayon nga sa isa pang producer, last year daw eh, halos semplang karamihan ang local movies na ipinalabas!

vuukle comment

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with